Showbiz News

Xian Lim on making a series in GMA: 'How can you say no?'

By Jansen Ramos

Opisyal nang ipinakilala si Xian Lim ngayong Martes (August 31) bilang Kapuso matapos pumirma ng program exclusive contract sa GMA.

Ito ay para sa upcoming GMA series na pinamagatang Love. Die. Repeat na pagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Ang Love. Die. Repeat ang first major Kapuso project ng aktor matapos magkaroon ng guest appearances sa GMA blocktimer na Maynila noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz at mapanood sa isang TV special ng isang e-commerce platform kamakailan.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Xian ngayong Martes (August 31), bahagi niya, "It feels great to be considered for a project na ganito ka-special, how can you say no, 'di ba?

"It's so wonderful na nabigay po itong pagkakataon na ito sa 'kin so very happy and I'm very grateful."

Thankful din si Xian na tuloy-tuloy ang kanyang trabaho sa kabila ng pandemya.

"Laking pasalamat ko po sa ating mga bosses and to our producers na na-bring up 'yung pangalan ko, e, na-consider po nila 'ko sa proyekto so para po sa 'kin happy, lost of words, and I'm just excited to be here."

Program exclusive deal ang pinirmahang kontrata ni Xian, na mina-manage ng Viva Artist Management, sa GMA. Ibig sabihin, mapapanood siya sa Kapuso channel dahil sa seryeng Love. Die. Repeat.

Gayunpaman, buong-puso niya raw tatanggapin kapag nasundan pa ito ng panibagong proyekto.

Paliwanag ni Xian sa entertainment writer na si Rose Garcia, "I'm with GMA for Love. Die Repeat. but, siyempre, po kung gusto pa nila akong bigyan ng proyekto e, mas tataas pa po ang ngiti ko, lampas ng tenga."

Wala rin daw siyang apprehensions kung sakaling offer-an siyang maging full-fledged Kapuso.

"Being a Kapuso and Viva as my family, wala po akong apprehension on that part. I'm just really grateful to be given work and, as an artist, to be able to have a canvas to express 'yung craft of acting."

Xian Lim on her first team up with Jennylyn Mercado

Ayon kay Xian, romantic daw ang tema ng gagawing serye nila ni Jennylyn sa GMA.

Aniya, "Dito po sa kwento na gagawin po namin ni Jennylyn, along with other great cast na kasama po sa proyekto namin, I would say na there's something different dito po sa series na dito and definitely we're gonna ba tackling love and usually 'yung mga consequences and mga problema na nangyayari 'pag nagmamahalan ang isang tao.

"So we will touch base in all those problems. It's gonna be a roller coaster of emotions sa mga manonood."

Inamin ni Xian na wala pa sila ganoong interaction ng kanyang love team na si Jennylyn pero, aniya, kinabahan siya sa kanilang unang pagtatambal.

"First time po namin mag-meet no'ng nag-swab test.

"Kinakabahan ako at first and I think I still am na kinakabahan pa rin ako up to now kasi 'yun nga, given na hindi pa kami nagkikita before sa kahit anong event and it's always nakakakaba everytime na makakatrabaho kang bago but she seems like a really nice person and I can't wait 'til our first day dito pa lang sa quarantine, nagsisimula pa lang 'yung workshop namin online."

Kasalukuyang naka-hotel quarantine si Xian at ang buong team ng Love. Die. Repeat bilang paghahanda sa kanilang lock-in taping.