Showbiz News

Oh My Baby: Nalaman na ni Charie na mayroon siyang endometriosis

By Aimee Anoc

Sa unang linggo ng Oh My Baby, nalaman na ni Charie (Jang Na-ra), 39, na mayroon siyang sakit na endometriosis, na mas lalong nagpababa sa tyansang pagkakaroon niya ng anak. Dahil dito mas naging desidido si Charie na mabuntis sa lalong madaling panahon.

Kakatapos lamang ng shoot nina Charie sa The Baby, parenting magazine company, kung saan kinailangan niyang magsuot ng pregnancy experience suite para maipakita sa tagasubaybay nila. KInailangan itong gawin ni Charie dahil marami ang nagrereklamo na nagsusulat siya ng parenting articles gayong hindi pa naman niya nararanasang maging isang magulang.

Sa pamamasyal sa mall kasama ang iba pang katrabaho, suot-suot pa rin ni Charie ang pregnancy experience suite kung saan dito niya muling nakita si Christian (Ko Jun). Dahil sa hindi magandang nakaraan nilang dalawa, nagpanggap si Charie sa harap ni Christian na buntis na.

Nagkataon naman na biglang sumakit ang puson ni Charie at basa ang mga hita niya, dahilan para akalain ng mga namamasyal sa mall na manganganak na siya. Sa parking lot, napansin ni Christian ang nagkakagulong matatandang kababaihan kaya siya na mismo ang nagdala kay Charie sa ospital.

Hindi matanggap ni Charie ang masakit na balita mula sa kanyang doktor, kaya naman sa muling pagkikita nila ni Christian sa labas ng ospital tinanong niya ito, "gusto mo ba akong pakasalan?"

Patuloy na panoorin ang Oh My Baby, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m, at Sabado, 10:45 a.m sa GMA.

Samantala, balikan ang mga eksena sa Oh My Baby:

Oh My Baby: Charie's scandalous dysmenorrhea | Episode 1

Oh My Baby: Charie makes her first move | Episode 3

Oh My Baby: Charie's health issue | Episode 3

Oh My Baby: Charie's new friend | Episode 4

Oh My Baby: Charie's handsome savior | Episode 5

Oh My Baby: Struggles in finding men | Episode 6