GMA Logo Mahal
What's Hot

Mga kapatid ni Mahal, ibinahagi ang pagkakasakit ng komedyante bago pumanaw

By Aimee Anoc
Published September 6, 2021 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mahal


"Mayroon daw ubo at sipon. Ang sabi naman ni Mahal okay lang s'ya. After 3 days po parang hindi na normal, ngayon dinala nila sa ospital." - Jason Tesorero

Isang araw matapos ang cremation ni Noemi "Mahal" Tesorero, ibinahagi ng mga kapatid nito na sina Lany Tesorero at Jason Tesorero ang pagkakaroon ng sakit ng komedyante bago pumanaw noong August 31.

Sa panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinahayag nina Lany at Jason kung gaano sila nabigla sa pagpanaw ng kanilang kapatid.

"Nabigla rin po kami na may sakit pala siya," sabi ni Lany.

"Kuwento po sa amin ng manger ni Mahal at ni Mygz, mayroon daw ubo at sipon. Ang sabi naman ni Mahal okay lang siya. After 3 days po parang hindi na normal, ngayon dinala na nila sa ospital," pagbabahagi ni Jason. "Nahirapan na huminga. Bumaba 'yung oxygen niya."

"Yun din po 'yung araw na tinest siya... na antigen na nag-positive siya. Nu'ng nalaman kong may sakit si Ate Mahal agad akong pumunta ng Batangas. Sabi ko uwi kita. Ihanap kita rito sa Quezon City," dagdag pa ni Lany.

"Imposible, kasi sabi okay raw e... 50/50, then after few minutes wala na raw si Mahal," kuwento ng isa pang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero. "Nagulat lahat kami. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na."

"Akala ko maabutan ko pa siya. Hindi ko man lang nayakap 'yung kapatid ko. Sabi ko kahit may COVID pa siya, yayakapin ko siya e," umiiyak na sabi ni Lany.

Ibinahagi rin ni Jason ang iba pang iniindang sakit ni Mahal na may kinalaman sa gastrointestinal.

"Si Mahal, since na bata talaga siya kapag nagkasipon po 'yung sisinghutin sipon at tsaka idudura. Ang ginagawa niya lang, pinapabayaan niya lang tapos lulunuk-lunukin niya lang 'yan. Hanggang sa naipon daw po 'yung plema sa loob ng tiyan. Doon po nagkaroon ng bleeding 'yung intestine niya po," kuwento ni Jason.

Nagpaabot din ng mensahe sina Jason at Lany para kay Mahal.

"We are proud of you. Sa lahat ng na-achieved mo sa buhay. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa amin. Pati sa fans mo sa pagbibigay saya at halakhak, tawa. Maraming salamat," mensahe ni Jason para sa pumanaw na kapatid.

"Mahal na mahal namin siya at hinding-hindi namin siya makakalimutan." pagtatapos ni Lany.

Panganay sa apat na magkakapatid si Mahal. Nito lamang Agosto, pumanaw na rin ang kanilang ama dahil sa kidney failure na dulot ng COVID-19.

Panoorin ang buong interview ng mga kapatid ni Mahal na sina Lany at Jason Tesorero sa Kapuso Mo, Jessica Soho.