Showbiz News

TikTok couple na Whamonette, tampok sa 'KMJS'

By Bianca Geli

Usap usapan ngayon ang bagong love team na Whamonette--ang TikTokerists turned real life lovers na sina Antoinette Gail del Rosario at Whamos Cruz. Maraming netizens ang pinusuan ang bagong online love team pero marami rin ang nagtaasan ang kilay.

Marami kasing nag-request ng tips kay Whamos kung paano niya napasagot si Antoinette.

Nagkakilala raw ang dalawa sa TikTok dahil sa isang dance challenge.

Kuwento ni Antoinette sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Nag-start 'yun noong pandemic, bored ako sa bahay.

Dagdag niya, napabilib daw siya sa swabeng galaw ni Whamos. Aniya, "Wow, ang angas ng sayaw niya. Subukan ko kaya...hindi ko inasahan na makikita niya ako.

Napansin daw ni Whamos ang paggawa ni Antoinette ng dance challenge niya at nagpasalamat siya rito. "Nag-thank you ako sa kanya tapos doon na nagsimula 'yung communication namin.

Hanggang sa napapadalas na ang kanilang virtual dance collab kaya naging mas malapit sila sa isa't isa. Dito na nagumpisa manligaw si Whamos.

Matapos ang tatlong buwang ligawan, nitong July 6, personal na nag-propose si Whamos kay Antoinette na maging girlfriend niya.

Saad ni Antoinette, mas mahalaga raw sa kaniya ang ugali ng tao kaysa sa panlabas na anyo. "Na-attract ako sa kanya sa smile niya. Mas mahalaga po sa akin 'yung personality ng tao kaysa panlabas na anyo. Kasi po 'yung panlabas na anyo kumukupas."

Gayunpaman hindi pa rin sila nakaligtas sa mga bashers.

Paliwanag ni Antoinette, "Kung ano 'yung nakikita nila sa camera, ganoon din kami sa personal.

Sagot naman ni Whamos, "At wala rin po kaming magagawa kung 'yun talaga 'yung isip ng mga tao sa amin, basta alam po namin 'yung ginagawa namin--na nagpapasaya kami ng tao.

Pero ano kaya ang masasabi ng mga magulang nina Whamos at Antonette sa kanilang relasyon?

Panoorin ang buong episode sa video ng KMJS.

Tingnan ang Zambales farm ni Bea Alonzo sa KMJS: