GMA Logo Julie Anne San Jose, Barbie Forteza
What's Hot

Julie Anne San Jose, may sagot sa papuri sa kanya ni Barbie Forteza

By Bong Godinez
Published September 8, 2021 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Barbie Forteza


Julie Anne San Jose is excited for the premiere of 'Limitless, A Musical Trilogy' on September 17.

Very flattered si Asia's Limitless Star, Julie Anne San Jose, sa recent comment ng fellow Kapuso artist na si Barbie Forteza tungkol sa kanya.

Sa latest Kapuso online exclusives na Kapuso Confessions, sinabi ni Barbie na bilib siya kay Julie Anne dahil sa maraming talents nito.

“Kasi parang nung nagsabog ng talent si Lord, parang nasa first row siya. Parang unang-una siya sa pila, so nakuha niya lahat - 'yung sa pagkanta, pagsayaw, pagperform, pag-arte 'di ba?” sabi ni Barbie.

“Tapos ang galing din niya makisama sa mga tao, I guess ano rin 'yun skill 'yun, e, ayun who she is as a person basically nagagalingan ako sa kanya kung papaano niya hinahandle 'yung kanyang sarili.”

Sa Kapuso Brigade Zoomustahan event na ginanap kahapon (September 7), naikuwento namin kay Julie Anne ang mga kind words na sinabi ni Barbie tungkol sa kanya.

“I love her so, so much. We've been friends for a long time actually. Ang tagal na naming magkaibigan ni Barbie,” tugon ni Julie Anne sa GMANetwork.com.

“Wala akong dull moment 'pag kasama ko siya. She's such a good, good friend and she's my best friend talaga.”

Dagdag pa ni Julie Anne, “We tell each other stuff. Tapos, of course, nakakatuwa talaga because nafi-feel ko din 'yong kanyang support and siyempre ganun din ako sa kanya.”

Mabuting tao raw si Barbie at very humble rin kaya naman nakagaanan ito ng loob ng magaling na singer-actress.

“I'm so, so grateful to have someone like her and we have each other's backs. Sobrang love ko talaga si Barbie.”

Hindi naman nagkamali si Barbie sa kanyang obserbasyon kay Julie Anne pagdating sa pagiging talented nito.

Bukod kasi sa galing sa pagkanta ay multi-instrumentalist din at marunong din magsulat ng kanta, umarte, at marami pang iba, si Julie Anne.

Iyan ang dahilan kung bakit tinawag na Limitless ang upcoming musical trilogy ni Julie Anne na ipapalabas na online sa September 17.

Aminado si Julie Anne na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya habang papalapit ang premiere ng part one ng musical trilogy na pinamagatang, “Breathe.”

“I don't know what to feel, honestly,” nakangiting tugon ni Julie Anne.

“Kinakabahan but at the same time sobrang excited because September na, ilang days na lang bago 'yong September 17. So sobrang excited talaga ko na makita nila 'yong music journey ko,” dagdag ni Julie Anne.

“At first kasi we did not know what to call it. Hindi kasi talaga siya concert, it's not the usual concerts that we usually watch like online or it's not just another concert that you get to see on screen. It's like you're watching a movie but it's a musical documentary na nagkataon na nag-travel ako.”

Sa Mindanao ang setting ng “Breathe” kaya excited din si Julie Anne na mai-share sa publiko ang kagandahan ng lugar.

“We went to Sultan Kudarat and we also did some activities with our fellow Mindanaons na sobrang grabe, hindi ko rin talaga inexpect. Nakikita ko lang siya sa mga books before, sa mga documentaries, and it felt so nice because I was actually there to experience those things and see how beautiful Mindanao is,” kuwento ni Julie Anne.

“Nakaka-excite kasi feeling ko 'yon din 'yong isa sa nami-miss out natin, it's seeing and exploring 'yong mga hidden gems na meron dito sa Pilipinas.”

Ang “Breathe” ay mapapanood online simula sa September 17.

Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.

Ang presyo ng mga tickets ay: General Admission - PhP599; VIP - PhP1,199; Synergy Pass (GA) - PhP1,499; Synergy Pass (VIP) - PhP3,299.

Click here para malaman ang step-by-step process sa pagbili ng tickets para sa kapanapanabik na musical event na ito.

Sundan ang www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. Para sa iba pang updates, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Samantala, tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng “Breathe” sa gallery na ito.