Showbiz News

Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento wagi sa pilot episode



Last Sunday, nasaksihan muli ng mga manonood ang kinagigiliwang pamilya sa telebisyon sa muling pag-ere ng Pepito Manaloto. Ang  original reality sitcom na ito ay pinagbibidahan ng Asian TV Best Comedy Actor recipient na si Michael V. Kasama rin sina Manilyn Reynes,Angel Satsumi, Jake Vargas, John Feir, Ronnie Henares, Mosang, Janna Dominguez, Arthur Solinap, Jessa Zaragoza at Nova Villa.
 
Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pagbabalik ng Pepito Manaloto pagkatapos nitong makakuha ng mataas na ratings sa pilot episode mula sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.  
 
Base sa overnight household data sa National Urban Philippines noong September 16, nakakuha ng 36.2 share points ang Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento kumpara sa Goin’ Bulilit at Rated K Handa Na Ba Kayo? na nakakuha lamang ng 28 points at 34.6 points. Sa Urban Luzon, nakapagtala ang Pepito Manaloto ng 40.4 share points kumpara sa Goin’ Bulilit at Rated K Handa Na Ba Kayo? na nakakuha lamang ng 22.8 points at 29.6 points. Sa Mega Manila, nakakuha ang Pepito Manaloto ng 40.3 share points laban sa Goin’ Bulilit at Rated K Handa Na Ba Kayo? na nakakuha lamang ng 20.7 points at 28 points.
 
Ngayong Linggo (Sept 23), makikitulog sa mansion ng mga Manaloto ang best friend ni Pepito (Michael V.) na si Patrick (John Feir) dahil binaha ang bahay nito gawa ng sunod-sunod na pagdating ng habagat. Pero bakit tila unti-unting magiging asiwa sa kanya sina Elsa (Manilyn Reynes) at mga kasambahay na sina Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez) at Robert (Arthur Solinap)?
 
Alamin kung bakit magkakagulo sa mansion ni Pepito dahil sa maling akala, ngayong Linggo ng gabi sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng Imbestigador sa GMA Sunday Grande.