Showbiz News

Ilang celebrities, kumasa sa #HowMuchYouveChanged Challenge

By EJ Chua

Kanya-kanyang entry ng 'better version of themselves' ang ibinahagi ng ilang celebrities para makisali sa #HowMuchYouveChanged Challenge na trending ngayon sa social media.

Sa challenge na ito, kailangang mag-post ng lumang profile picture at tabihan ito ng latest profile picture.

Ito ay upang makita ang pagkakaiba o pagbabago sa looks ng isang tao.

Game na game na kumasa sa challenge ang Las Hermanas star na si Yasmien Kurdi.

Sa kanyang Facebook account, in-upload niya ang isang 2009 photo habang nasa beach at isang 2021 glow up photo. Sa entry na ito, kitang kita ang fresher look ng aktres.

Courtesy: Yasmien Kurdi (Facebook)

Nakisali rin sa challenge si Danica Sotto-Pingris, na ikinumpara ang kanyang 2014 at 2021 photos.

Courtesy: Danica Sotto-Pingris (Facebook)

Kahit ilang taon na ang lumipas, tila walang pagbabago sa morena looks ni Danica.

Ang post na ito ni Danica ay sinundan niya rin ng isang magandang caption.

“Kahit ang dami ng nangyari sa atin through the years… ang importante marami tayong natutunan. We should always be a better version compared to before. Dami nating pinagdaanan! What would you tell your younger self?”

May entry rin ang veteran actress na si Carla Martinez. Sa kanyang Facebook account, in-upload niya ang 2008 vs 2021 photos niya.

Courtesy: Carla Martinez (Facebook)

“Age is just a number”, dahil kahit ilang taon na ang lumipas, kitang-kita pa rin ang kagandahan ni Carla.

Hindi rin nagpahuli ang Unang Hirit hosts sa #HowMuchYouveChanged Challenge na ito.

Kinolekta ng UH Barkada ang kanilang profile pictures at sabay-sabay na nagbigay ng kanilang comments at reactions.

Dito ay ibinida nila ang formal side view photo vs sexy photo ni Love Añover habang nasa isang beach.

Hindi rin nagpatalo sa challenge ang Unang Hirit host na si Susan Enriquez. Ibinida niya ang kanyang 2009 vs 2021 profile pictures sa Facebook.

Komento ng isa sa co-host ni Susan, parang mas bumata raw ang kanyang looks ngayon.

Si Connie Sison naman, 2008 vs 2021 profile pictures ang ibinahagi sa UH barkada.

Ibinahagi rin nila ang photos ni Ivan Mayrina habang nasa studio ng GMA News program na 24 Oras.

Ibinida naman ni Mariz Umali ang kanyang 2007 photo na kuha habang nasa shooting ng Pinoy Meets World sa Paris, France. Katabi naman nito ay ang kanyang recent photo habang siya ay nasa GMA building.

Panghuli ay ang 2009 vs 2021 photos ni Lyn Ching. Kitang-kita sa mga larawan ang changes sa looks ni Lyn.

Balikan ang ilan sa challenges na nag-trend noong 2020 sa gallery na ito: