Showbiz News

Ashley Ortega at Jon Lucas, mabibiktima ng killer yaya na si Sheree sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Matapos ang high-rating “Bokasyon Part 2” episode ng bagong Wish Ko Lang, isa na namang kaabang-abang na kuwento ang tampok ngayong Sabado, September 18, sa “Killer Yaya” episode.

Tungkol ito sa mag-asawang sina Andy (Ashley Ortega) at Ronnie (Jon Lucas). Tulad ng maraming mag-asawa, abala sina Andy at Ronnie sa kani-kanilang trabaho, kaya naman naisipan nilang kumuha ng kasambahay na mag-aalaga sa kanilang anak, si Stephanie (Sheree).

Ngunit ang hindi nila alam ay may masamang motibo pala si Stephanie. Imbes kasi na mag-alaga ay nais pala nitong mang-agaw!

Magkakaroon si Stephanie ng pagtingin kay Ronnie at gagawin niya ang lahat para agawin siya mula kay Andy.

Kasama rin sa “Killer Yaya” episode sina Divine Aucina at Joshua Zamora.

Killer Yaya episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, September 18 / Source: Wish Ko Lang

Killer Yaya episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, September 18 / Source: Wish Ko Lang

Ayon kay Ashley, maraming dapat abangan ang mga manonood sa kanilang bagong Wish Ko Lang episode.

“It's very intriguing at meron po siyang mga plot twist,” ani Ashley. “Kaya sana abangan niyo po. Ayoko na po masyadong magkuwento dahil baka ma-spoil ko po sa inyo.”

Dagdag pa ng Legal Wives actress, naka-relate daw siya sa karakter niya sa “Killer Yaya' episode.

“Sa aking karakter naman po na ginagampanan doon, yes, nakaka-relate po ako sa kanya kasi isa po siyang napaka-busy na asawa at hindi niya na po nabibigyan ng pansin ang kanyang pamilya dahil nga sobrang busy siya.

“And me, personally, yes, I understand her kasi sometimes nagiging busy rin ako sa trabaho ko and I forget to give attention sa mga taong mahal ko, sa mga tao sa paligid ko.

“But eventually, 'pag may time naman po ako, bumabawi po ako sa kanila.”

Sina Jon Lucas, Ashley Ortega at Sheree Bautista sa “Killer Yaya” / Source: Wish Ko Lang

Para naman kay First Yaya actor Jon Lucas, bilang isang aktor, exciting daw gawin ang “Killer Yaya” episode, ngunit ibang usapan na kapag sa totoong buhay.

“Ang masasabi ko sa istorya na ginawa namin sa Wish Ko Lang, talaga namang nakaka-excite,” saad ni Jon. “At sa totoong buhay, ito'y medyo creepy dahil meron pa pala na kayang mag-iba ng anyo, mag-iba ng itsura, para lang magawa nila 'yung masasamang motibo nila, di ba?”

Si Sheree bilang Stephani, ang killer yaya / Source: Wish Ko Lang

Namulat din daw ang mata ni Jon sa nakakabahalang katotohanan na may mga masasamang loob pa rin na nagpapanggap upang makapanlinlang o makapanakit ng iba.

“Hindi natin alam na baka may mga tao pala diyan na nagpapanggap na ibang tao para magawa 'yung masamang balak nila sa ating kaibigan, kamag-anak, o ang masama pa sa ating sariling pamilya.”

Magtagumpay kaya ang killer yaya na si Stephanie sa kanyang masamang balak kay Ronnie at Andy?

Alamin 'yan ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.


Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: