Showbiz News

New Oppa alert! Meet Lee Jung-jun, the good-looking 'killed' guy in 'Squid Game' series

By Jimboy Napoles

Kasabay ng pagiging number 1 ng Squid Game sa Top 10 Netflix Philippines chart, agad din na nag-trending online ang mga larawan at posts ng mga netizen tungkol sa rookie korean actor na si Lee Jung-jun.

Spotted ang Korean actor sa Episode 3 ng nasabing series, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga manager ng mga laro o yung mga naka-hot pink full-body covering suit na may square shape sa kanilang masks.

Dahil sa pagiging good-looking, ang face reveal ni Jung-jun, imbis na ikagulat ay kinakiligan pa ng viewers. Pero wala pang limang minuto, nag-goodbye agad ang kaniyang character sa series, dahil ang rule sa story, bawal ipakita ang kanilang mukha sa players at kapwa manager.

Isa raw si Lee Jung-jun sa mga rising stars sa South Korea. Sa katunayan, bukod Squid Game, ang Korean School of Arts student na si Jung-jun ay mapapanood din sa ilan pang Korean drama gaya ng Kairos, Class of Lies, at Best Mistake 2 (bilang si Choi Seung-hyeon na isang sikat na student baseball player).

Samantala, trending topic din ang Pinoy na si Chris Chan na kasama sa cast ng series bilang si Player 276 at ang cameo role ni Korean superstar Gong Yoo.

September 17 ang naging premiere ng Squid Game sa Netflix, at nanatili ito sa Top most-watched series sa bansa ngayon.