Showbiz News

Daisy Lopez aka Madam Inutz releases debut song 'Inutil,' giving 'sayaw kikay' vibes

By Jimboy Napoles

Hindi na nga mapipigilan ang patuloy na pagsikat ni Daisy Lopez o mas kilala ng marami bilang si Madam Inutz. Ngayong Huwebes (September 23), inilabas sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang debut song na “Inutil.”

Unang nakilala si Madam Inutz sa kaniyang nakakaaliw na paraan ng online live selling, ang pagtawag niya ng “inutil” sa viewers na hindi nagma-mine sa kaniyang paninda, imbis na kainisan, agad pang pumatok sa netizens. Ang kaniyang live video, mabilis na nag-viral hanggang sa naimbitahan na siya na makapanayam sa ilang TV programs gaya ng Unang Hirit at Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ngayon, bukod sa pagiging online seller, vlogger, at brand endorser, isa na ring ganap na total performer si Madam Inutz.

Sa music video ng “Inutil,” ipinamalas niya ang kaniyang galing sa pag-awit at pagsayaw. Marami rin ang napa-wow sa kaniyang transformation, dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi anim na magagarang costume ang kaniyang isinuot sa music video na mas lalong nagpaganda sa K-pop level na video production, highlight pa ang iconic sampayan ni Inutz.

Ilang oras lang matapos ilabas sa kaniyang channel ang music video, umani agad ng maraming positibong kumento at papuri si Madam Inutz mula sa kaniyang fans at netizens.

Sabi ni Merry Ohmura, “My God is that you madame inutz Love it (heart emoji). Wala akong mashebe sa Ganda at BONGGA ng set, production at ang song sobrang nakakaaliw keep it up.” Pinuri rin nito ang manager ni Madam Inutz.

Ito naman ang masasabi ni Albert Legaspi: “The MV embodies who she is. Very raw, artistically crazy and no pretentions. So catchy ng beat and definitely will be a hit. kudos to the Production, Set Design, Composer and to the back up dancers.”

Proud din ang netizen na si Jose Penaranda sa viral online seller: “Madam Inutz is a perfect example of a blessed person dahil sa sobrang pagmamahal niya sa NANAY niya at pamilya.”

Sa ngayon, nasa mahigit 100,000 views at halos 3,000 comments na ang music video na ito:

Samantala, silipin naman ang ilang online sensations na pinasok ang mundo ng showbiz sa gallery na ito.