Showbiz News

LOOK: Kylie Padilla shares femme photos of her character in 'BetCin'

By Aimee Anoc

Sa nalalapit na premiere ng BetCin, ibinahagi ni Kylie Padilla ang ilan sa mga larawang kuha mula sa karakter niyang si Beth.

Sa Instagram, makikita ang bagong hairstyle ni Kylie. Ibinahagi rin nito kung gaano na siya kasabik na mapanood ng lahat ang bagong proyektong pinagbibidahan nila ni Andrea Torres.

"Yes you may now call me... PAPI. Can't wait for people to get to know you Beth. Cry with you, laugh with you. Learn from you," sulat ni Kylie.

"BetCin, October 15 na," dagdag niya.

Maraming netizens naman ang humanga sa bagong hairstyle na ito ni Kylie.

"Nagpagupit ka pala ng buhok. Papi na tawag namin sa 'yo," sabi ni @koreenandreaz.

"Hi My Beth!" dagdag ni @kllongakit, na may kasamang heart emoji.

"Sobrang ganda naman ng Papi na ito," paghanga ni @ralyndeguzman.

"Gayahin ko po hairstyle mo," pagbabahagi ni @anntokyo.

"Kung may time machine lang talaga, excited na kami masyado. 'Di ba mga umamis? We can't waitttt!" biro ni @itsmekath.18.

Mapapanood na sa October 15 ang BetCin kung saan gaganap bilang lesbian couple sina Kylie at Andrea. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth. Bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.

Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: