What's Hot

Tracy Maureen Perez, nagsalita na tungkol sa tunay na nangyari noong Miss World Philippines coronation night

By Jimboy Napoles
Published October 12, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Tracy Maureen Perez Miss World Philippines 2021


Bago makuha ang titulong Miss World Philippines 2021, dalawang beses munang nawala sa poise si Tracy Maureen Perez sa coronation night ng nasabing pageant. Ang dahilan ng kaniyang "beauti-fall" moments, alamin DITO:

Ang Cebuana beauty na si Tracy Maureen Perez ang tinanghal na Miss World Philippines 2021. Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss World 2021 pageant sa Puerto Rico ngayong darating na Disyembre.

Kahit mahigit isang buwan na lang ang natitirang panahon para sa kaniyang preparasyon, kumpiyansa pa rin si Tracy na kakayanin niya ang paglaban sa nasabing international beauty pageant. Bagay na kaniyang sinabi sa "Queen-tuhan" sa Unang Hirit ngayong Lunes, October 11.

"I feel like even if one month na lang 'yung preparation left before I have to fly out of the country to Puerto Rico. Feeling ko more than enough na po 'yon. Three years ko po itong pinaghandaan and finally nakuha ko na po the chance to represent our country in the international stage," kwento ng beauty queen.

Excited na rin daw si Tracy na maipakita ang talento ng mga Pilipino sa isang international competition.

"So I'm very excited to show 'yong talent po ng mga Filipino na madadala ko with me when I compete," dagdag ni Tracy.

Marami ang bumilib sa performance ng Cebuana beauty sa katatapos lang na Miss World Philippines 2021 competition kahit pa dalawang beses itong nawala sa poise, nadulas, at napahiga sa stage.

Una, bago i-announce ang mga bagong queens na lalaban para sa bansa sa iba't ibang beauty pageants abroad. At pangalawa, habang ginagawa ni Tracy ang kaniyang victory walk.

Mahigit anim na oras ang tinagal ng coronation night, pero ayon sa beauty queen, marami raw posibleng dahilan ang kaniyang "beauti-fall" moments.

"Hindi po ako nahilo, that I'm sure, siguro po mix of different factors na rin po. Last thing I remember, parang inadjust ko po 'yong set kasi parang I was towards the edge na po of the stage, so natuluyan na, nalaglag na po ako straight. 'Yun po yung first fall ko po. 'Yun po 'yong medyo masama ang bagsak,” kuwento pa niya.

Sa second time na nahulog ako ulit kasi parang 'yong gown ko, mayroon po s'yang mga fringe sa likod, natanggal na po 'yong mga beads, so parang natatapakan ko na s'ya, tapos nagiging slippery na po 'yong stage when I was doing my final walk," dagdag ni Tracy.

Pero paglilinaw ng Cebuana beauty, kahit pa nagtamo siya ng kaunting sugat mula sa pagkakahulog, higit daw na importante ay ang kaniyang pagkapanalo.

"Mayroong mga kaunting sugat-sugat pero okay lang naman, nauwi ko naman 'yong korona and 'yun for me ang pinaka-importante," saad ni Tracy.

Samantala, mas kilalanin pa si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa gallery na ito: