Showbiz News

'Dapat Alam Mo!' hosts, nagulantang sa nalaman tungkol sa isa't isa

By Marah Ruiz

Sumabak sa isang trvia game tungkol sa isa't isa sina Dapat Alam Mo! hosts Emil Sumangil, Patricia Tumulak at Kuya Kim Atienza.

Ikinagulat naman nila ang mga little known facts na natuklasan nila tungkol sa kanilang mga co-hosts.

Ini-reveal ni Kuya Kim na isa pala siyang ballet dancer noon.

"Dati akong ballet dancer. Noong college, kasama ako sa Manila Metropolis Ballet at sa first season ng Philippine Ballet Theater," paliwanag niya.

Hindi rin nila inakala na ang tila laging seryosong si Emil ay isang party DJ.

"Para bang nananalaytay sa dugo ko 'yung musica 'Yung pagiging party DJ, old school plaka tapos '60s, '70s, '80s, '90s," bahagi naman niya tungkol sa kanyang hobby.

Humanga naman sila sa advocacy ni Patricia na pagbabasa para sa mga bata.

"I have another account. 'Yun 'yung 'Push to Read' project wherein, I gather kids from different barangays and I do storytelling. Before, in person, but now online," lahad niya.

Magisimula na ang kanilang news magazine show na Dapat Alam Mo! sa ngayong Lunes, October 18, 5:30 pm sa GTV.

Samantala, kilalanin pa si Kuya Kim sa gallery na ito: