Showbiz News

Misis na biktima ng mapang-abusong mister, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Hindi kapani-paniwala ang abuso na inabot ng isang misis na itinago sa pangalang Lucy ng programang Wish Ko Lang.

Sa episode noong nakaraang Sabado, na pinamagatang “Babae sa Cabinet,” inilahad ang kuwento ni Lucy, isang misis na nadiskubreng sa cabinet pala itinatago ng kanyang mister na si Axel ang kabit niyang si Fiona.

Bukod pa riyan, nakaranas din ng pagmamaltrato at pananakit si Lucy kay Axel.

Ani Lucy, “Sinasaktan niya ako. Parang hayup ang tingin niya sa 'kin.”

Sa tuwing hindi nasusunod ang gusto ni Axel at tuwing nadidismaya siya dahil hindi nabubuntis ang kanyang asawa at kahit ang kanyang kabit ay nananakit ito.

Hindi lamang si Lucy ang nakaranas ng pambubugbog mula kay Axel, kung hindi pati ang pamangkin niyang si Maya at naging kerida nito na si Fiona.

Sa kabutihang palad ay nakalaya silang tatlo mula sa malulupit na kamay ni Axel at nabigyan ng pagkakataong magsimula muli.

Ang misis na si Lucy na nakaranas ng pang-aabuso mula sa mister / Souce: Wish Ko Lang

Kaya naman may mensahe si Lucy sa mga babaeng katulad niya na nakararanas ng abuso.

“Babae tayo. Karapatan nating lumaban. Magkaroon tayo ng lakas ng loob. Huwag tayong matakot. Ipaglaban natin ang karapatan natin bilang babae.”

At para tulungan si Lucy at kanyang pamangkin na si Maya na makabangon mula sa bangungot na kanilang pinagdaanan, naghandog ng mga regalo ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.

Ilan sa mga handog ng bagong Wish Ko Lang kay Lucy/ Source: Wish Ko Lang

Kasama sa mga natanggap na regalo ni Lucy ay ang free psychological consultation kay Dra. Camille Garcia para sa kanyang trauma.

Binigyan din ng full scholarship sa senior high school at college at brand new tablet ang kanyang pamangkin na si Maya.

May ibinigay din na financial assistance ang bagong Wish Ko Lang at negosyo packages tulad ng food cart business, merienda business, beauty business, RTW business, patisan business, at bigasan business.

May kasama pang dining room showcase at brand new kitchen appliances and dinnerware.

Tiyak na maganda ang magiging bagong simula ni Lucy dahil sa mga handog na regalo ng bagong Wish Ko Lang.

Para sa mas marami pang tunay na kuwento na puno ng aral at inspirasyon, tutok lang sa bagong afternoon habit ng bayan, ang Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.