Showbiz News

Barbie Forteza, kinikilig sa plano ni Jak Roberto na magpagawa ng bahay

By Nherz Almo

Kinilig si Barbie Forteza nang mapag-usapan ang tungkol sa plano ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto na magpatayo ng sariling bahay.

Sa panayam ni Barbie sa 24 Oras, nabanggit niya na malapit lang sa kanyang tirahan ang nabiling lupa ni Jak para sa kanyang dream house.

Nagpahayag din ng suporta ang Kapuso actress para sa kanyang boyfriend sa lahat ng magagandang plano nito ngayon.

Ani Barbie, Basta for now, I'm so happy for him sa mga achievements niya--with his show doing so good right now and ngayon, sa kanyang personal life. Inaasikaso na rin niya talaga ang kanyang long term... I am really happy for him and alam niya naman na talagang all-out support ako sa kanya."

Kasalukyang napapanood si Jak sa GMA Afternoon Prime series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye. Sa kabilang banda, mapapanood mamaya si Barbie sa Regal Studio Presents: My Birthday Wish.

Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Barbie rito:

Matatandaan na noong April 2021, sa pamamagitan ng YouTube vlog, ipinasilip ni Jak ang lupang nabili niya.

“Bakit nga ba ako sa lote nag-invest? Kasi, alam naman nating lahat na mas maganda mag-invest sa lupa dahil tumataas 'yung value.

“Nag-invest ako sa lupa kasi matagal ko nang pangarap 'yon. Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property.

"Isa 'to sa mga nasa bucket list ko na someday uunahin ko talaga kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay. Gusto ko ako talaga 'yung magpapatayo,” sabi pa niya.

Samantala, tingnan ang kilig photos nina Jak at Barbie sa gallery na ito: