Showbiz News

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, naniniwala ba sa soulmate?

By Aedrianne Acar

Tumatak ang naging sagot ng cinematic pair na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz tungkol sa soulmate.

Sa virtual presscon ng bagong proyekto nilang One True Pair The Movie para sa Jollibee tinanong ang kilalang love team kung naniniwala nila sa soulmate.

Para sa award-winning actress na si Bea, mas may malalim na meaning para sa kanya ang salitang soulmate.

Paliwanag niya, “But I also believe hindi lang limited 'yung soulmate to a romantic partner, parang it could be your best friend, pinsan mo, kapatid mo, nanay mo, tatay mo.”

Dagdag ng Kapuso actress, “And ang definition kasi ng soulmates siguro, para sa akin, two people who have intense feelings for each other or to have this unbreakable bond. Hindi lang siya necessarily just romance.”

Sinegundahan naman ito ni John Lloyd, “I believe in the same thing, hindi siya limited to romance, hindi siya limited to that context na nakasanayan natin na we commonly associate it with.

“Parang between two people 'yun na 'yung pinnacle na puwede n'yo maabot in having a relationship. Parang 'yun 'yung idea na pinakamatibay na bond between two people.”

Naniniwala rin ang TV-movie actor na “masuwerte” ang mga tao na nahahanap ang kanilang soulmate.

Aniya, “'Di ba, in your life, kung mahanap mo yung soulmate mo or soulmates mo then, I guess, you're lucky. Hindi lahat nahahanap 'yun, puwedeng sobrang dami mo naging partners, sobrang dami mo naging romantic partners, pero 'yung soulmate parang rare.”

Bukas mapanonood na ang pinakahihintay na reunion project nina Bea at John Lloyd na One True Pair, na iprinodyus ng Jollibee Studios sa ilalim ng direksyon ni JP Habac.

Sa panayam kay Direk JP, bilib siya sa chemistry na ipinakita nina John Lloyd at Bea for this movie.

Saad niya, “Actually, kanina noong nanood ako, nakangiti lang ako. Habang pinapanood ko 'yun, grabe kasi 'yung chemistry. So, nung shoot para hindi naging struggle palabasin 'yung chemistry kasi nandoon na talaga.”

Natuwa rin si John Lloyd Cruz na naging open ang team behind the One True Pair The Movie for their opinions and suggestions para mas mapaganda pa 'yung final output.

“Especially in this collaboration na we were given the rare opportunity na mai-infused 'yung take namin on the sentiments of the characters.”

Abangan ang premiere ng One True Pair The Movie bukas, December 1, sa Jollibee Studios YouTube Channel.

Samantala, tingnan ang nakakikilig na samahan nina Bea at John Lloyd sa gallery na ito: