Showbiz News

Aiai Delas Alas, reunited sa asawang si Gerald Sibayan sa Amerika

By Jansen Ramos

Nakapiling na muli ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang kanyang asawang si Gerald Sibayan sa Amerika matapos ang ilang buwan.

Bumalik si Aiai sa Amerika, kung saan siya legal permanent resident, matapos umuwi ng Pilipinas noong Hulyo para sa kanyang showbiz commitments, pastry and baking course, at food business.

Taong 2015 pa noong nagkaroon ang komedyante ng "green card" o dokumentong ibinibigay ng U.S. Citizenship and Immigration Services sa mga permanenteng residente ng USA na puwedeng tumira at magtrabaho sa bansa.

Inaasahang mamalagi muna roon si Aiai para pagtuunan ang kanyang buhay may-asawa. Ayon sa The Clash judge, naghain siya ng petisyon para kay Gerald para maging lawful permanent resident din ito ng US. Doon din nila planong magka-baby via surrogacy.

Sakto naman ang reunion ng mag-asawa dahil tumapat ito sa kaarawan ni Gerald noong November 30.

Sa Instagram account ni Aiai, ibinahagi niya ang birthday message niya para sa mister kalakip ang video ng celebration nila sa isang vegetarian restaurant sa Pasadena, California kasama ang manager ni Aiai na si Oliver Carnay at ilang kaibigan.

"Happy birthday sa aking mabait, mapagmahal, and parating iniisip ang kapakanan naming dalawa and ang aming mga anak," sulat ni Aiai. "I love you so much. GOD BLESS YOU always my bebe @gerald_sibayan."

Masaya rin si Aiai na muli niyang nakasama ang kanyang anak na si Shaun Nicolo na nakabase sa US mula pa noong 2012.

Si Nicolo at kapatid niyang si Sophia ay mga anak ni Aiai sa singer na si Miguel Vera na dati niyang asawa.

Ang biological father naman ng panganay ni Aiai na si Sancho, na isa ring aktor, ay si Rey Maltezo dela Cruz. Sumakabilang-buhay ang huli noong 2015.

Naging masalimuot man ang buhay pag-ibig noon, happily married na si Aiai sa kanyang mister na si Gerald ngayon.

Tingnan ang masayang married life nina Aiai at Gerald sa gallery na ito: