Showbiz News

Zonia Mejia renews ties with GMA Artist Center

By Maine Aquino

Kapuso pa rin ang aktres na si Zonia Mejia.

Napanood na ng publiko si Zonia sa Heartful Cafe. Kasama rin ang Kapuso star sa I Left My Heart in Sorsogon na kasalukuyang pinapalabas sa primetime.

Sa kaniyang interview, ibinahagi ni Zonia ang mga plano niya sa kaniyang career sa darating na 2022.

"Gusto kong mas mag-grow as a person, mas marami akong matutunan along the way. Lalo na sa acting, kasi 'yun po talaga 'yung love kong gawin."

Ayon kay Zonia, nais niyang matutunan ang lahat para maging mahusay na aktres.

Photo source: itszonia

Saad niya, "Gusto ko po mag-grow as an actress, matuto pa nang matuto kasi every day is a learning process po talaga kapag umaarte at kapag isa kang artista."

Hiling ni Zonia na gusto niyang masundan ang career path ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

"Gusto ko pong sundan ang yapak ni Ms. Bea Alonzo. Kasi grabe po talaga ang galing niya umacting, lahat ng movies niya blockbuster po."

Dugtong pa ni Zonia, "Ang ganda ganda po niya, hindi po siya nag-i-age, 'di ba po ngayon sobrang fresh na fresh siya? Gusto ko po ganun ang maging career path ko."

Congratulations, Zonia!