Showbiz News

Babaeng may dissociative identity disorder, tampok sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc

Tampok ngayong Sabado, December 4, sa “Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials” ang kuwento ni Sunshine na may dissociative identity disorder o multiple personalities. Bibigyang buhay ni Kapuso actress Barbie Forteza ang kuwentong ito.

Ayon kay Dr. Bernadette Monteclaro Manalo, isang psychiatrist, ang dissociative identity disorder (DID) ay isang karamdaman kung saan nahihirapan ang isang tao na tukuyin ang realidad at hindi.

"Ito 'yung nagkakaroon ng disconnection between what is real and not real. Tapos mayroong problem doon with the continuity ng thought mo, parang nagkakaroon ng break. Actually, mahirap ito kasi nag-create sila ng ibang persona. Aside from the original identity na mayroon sila, mayroon din silang mga alter wherein kakaiba talaga pagdating sa thought, pagbihis, ugali at karakter," paliwanag ni Dr. Monteclaro.

Kahit na-comatose na ang inang si Lupe (Chanel Latorre), hindi sinukuan ni Sunshine (Barbie Forteza) ang pag-aalaga rito. Pero salungat ito sa pananaw ng kanyang amang si Enrico (Carlos Agassi) dahil nagawa na nitong mag-uwi ng ibang babae sa bahay nila.

Ang galit ba sa ama ang magiging dahilan para lumabas ang mga inililihim na pagkatao ni Sunshine?

Sa pagkakaroon ng dissociative identity disorder ni Sunshine, ikinakatakot ni Lupe na tuluyang sakupin ang anak ng pinakabayolenteng persona nito, na nakakapanakit ng tao.

Huwag palampasin ang kauna-unahang pagganap ni Barbie Forteza sa "Tatlong Katauhan ni Sunshine" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang iconic teleserye characters ni Kapuso actress Barbie Forteza sa gallery na ito: