Showbiz News

GMA Now, may bagong features para maging mas enjoyable ang viewing experience!

By Marah Ruiz

Mas masaya na ang viewing experience sa mobile digital TV receiver ng GMA Network na GMA Now dahil sa mga bagong interactive features nito.

Maaari nang mag-save at share ng clips ng mga paborito niyong Kapuso shows gamit ang bagong Screen Recording features. I-tap lang ang record button sa TV player at i-allow ang mga required permissions. Mase-save ang clips sa gallery ng inyong Android phone. Kailangan lang ng at least 100MB free storage space ang device para makapag-record.

Puwede na ring mag-multitask sa iyong device gamit ang Picture-in-Picture (PIP) Mode kung saan maaaring mag-switch sa iba pang app habang nanonood sa GMA Now. Gamit ito, mananatili ang GMA Now TV player sa ibabaw ng app na kasalukuyang ginagamit ng user. Maaari ka nang magpatuloy sa panonood kahit na ikaw ay nagtetext, nag-i-email o nagba-browse online. Android 8.0 Oreo ang minimum requirement na operating system para sa feature na ito.

Bukod sa bagong features na ito, mas pinaganda pa ang ibang existing features. Isa na rito ang GMA Videos On-Demand kung saan mapapanood na ang full episodes ng paborito niyong Kapuso shows. Mas pinaganda na rin ang Groupee chat kung saan mas marami nang magagamit na Groupee stickers.

Para magamit ang bagong features na ito, i-update lang ang inyong GMA Now app sa pamamagitan ng pagbisita sa Google Play Store.

Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring i-plug sa inyong Android phone para makapanood ng live TV on the go for free.

Gamit ito, maaari nang mapanood ang GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies, and lahat ng available free-to-air digital channels sa inyong area.

Available ang GMA Now sa ilang piling lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Pangasinan, Ilocos Sur, Abra, Baguio City, Camarines Sur (kabilang ang Naga City), Iloilo, Guimaras, Metro Cebu, Bacolod City, Cagayan de Oro, Metro Davao, at General Santos City.

Dahil din sa mainit na suporta, mabibili ang bawat unit ng GMA Now sa mas pinamurang halagang PhP599.00. Permanente na ang price slash na ito mula sa orihinal na presyong PhP649.00.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official site ng GMA Now o i-follow mga official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, at Twitter. Mabibili rin ang GMA Now sa GMA Store, Shopee at Lazada.