Showbiz News

Ruru Madrid and Kylie Padilla excite fans with their photo together

By Aimee Anoc

Maraming netizens ang na-excite sa muling pagsasama nina Ruru Madrid at Kylie Padilla.

Sa Twitter, ibinahagi ng GMA Artist Center ang larawan nina Ruru at Kylie na magkasama at kapwa nakangiti. Mapapansin din na nasa loob ng isang seafood restaurant ang dalawa.

Base sa post, makakasama ni Ruru si Kylie sa isang video na mapapanood sa YouTube channel ng aktor.

Sa kanyang Facebook page, ipinost din ni Kylie ang parehong larawan. Sa caption, sinabi niya, "Finally! Nag shoot kami ng vlog together! para sa inyo ito. Pero thankful ako ginawa natin ito Ru! @rurumadrid8 it was a long time coming!"

Hindi naman napigilan ng ilang fans ang kanilang excitement na muling mapanood nang magkasama ang dalawang Encantadia stars.

Noong 2016, nagkatrabaho sina Ruru at Kylie sa pinakamalaking telefantasya ng GMA, ang Encantadia. Sa seryeng ito, gumanap si Ruru bilang si Ybrahim, ang ama ng anak ni Amihan na pinagbidahan naman ni Kylie.

Samantala, mapapanood si Ruru sa upcoming GMA Primetime adventure series na Lolong. Makakasama niya sa seryeng ito sina Arra San Agustin, Shaira Diaz, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, at Rochelle Pangilinan.

Balikan ang ilan sa serye nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa gallery na ito: