Celebrity Life

Kylie Padilla pens heartfelt birthday message for son Axl Romeo

By Aimee Anoc

Ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang pagbati para sa 2nd birthday ng bunsong anak na si Axl Romeo.

Sa Instagram, makikitang masayang nakikipagpaglaro ang aktres kay Axl habang nasa palaruan. Ipinarating din ni Kylie ang labis na pagmamahal sa anak.

"Happy birthday my little man. Mama loves you. I hope to always make you laugh. You make mama's world so much more colorful. My little sunshine," sulat ni Kylie.

Ibinahagi rin ng aktres ang video nina Axl at Alas Joaquin habang masayang nakikipaglaro sa isa't isa. Aniya, "Favorite view."

Isang post na ibinahagi ni kylie (@kylienicolepadilla)

Parehong na kay Kylie ang dalawang anak na sina Alas at Axl matapos na kumpirmahin noong Hulyo na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie, ang isa sa mga pangarap niyang gawin kasama ang dalawang anak ay ang makapag-hiking.

"I've been imagining this day in my head na kasama ang mga anak ko. Dadalhin ko sila sa bundok, magha-hiking kami. Tapos chill lang kami roon sa taas ng bundok. Ise-share ko lang sa kanila ang mundo, na 'this is the world,'" pagbabahagi ni Kylie.

Samantala, tingnan ang cutest photos ng bunsong anak ni Kylie Padilla na si Axl Romeo sa gallery na ito: