Showbiz News

Jonalyn Viray lends her voice to the Kapuso Month jingle



If the voice behind the current Kapuso Month jingle na "Mundong Puno ng Puso" sounds familiar, ito ay dahil ang La Diva belter na si Jonalyn Viray ang kumanta nito. Ang mabigyan siya ng chance na kantahin ang isang jingle ng Kapuso network ay lubos na ikinatuwa ni Jonalyn nang makapanayam siya ng GMANetwork.com after recording the said song last January 29.

"Siyempre unang-una masaya, at the same time, I feel blessed and honored para makanta 'yung Kapuso theme [song] ng ating network," sagot ni Jonalyn nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya na siya ang napusuan na mag-interpret ng "Mundong Puno ng Puso."

Binalita din sa amin ni Jonalyn ang latest sa kanyang musical career, kabilang na ang release ng kanyang next single and album. "Lately inaayos namin 'yung recordings. Malapit na rin lumabas 'yung single ko, siguro by February ilalabas, and then 'yung album siguro by the end of February. Sana abangan niyo po 'yan at suportahan."

May announcement din si Jonalyn sa mga fans niya sa Middle East. "Sa March 7 and 8 po nasa Dubai ako, so mga Kapuso magkita-kita tayo doon."

Sing like Jonalyn by joining the Mundo Ng Kapuso Video Promo and you just might win P50,000! Visit GMANetwork.com/mundongkapuso for more details.

Patuloy na panoorin si Jonalyn Viray at ang La Diva sa Party Pilipinas, Sundays on GMA. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com