GMA Logo Khalil Ramos music
Image Source: khalilramos (Instagram)
What's Hot

Khalil Ramos plans to go back to creating music in 2022

Published December 31, 2021 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Khalil Ramos music


Isa raw sa 2022 New Year's resolution ni Khalil Ramos ang magbalik sa paglikha ng musika at muling makapagsulat.

Naging matagumpay ang mga unang proyekto ng aktor na si Khalil Ramos sa GMA Network sa taong 2021. Gaya ng Regal Studio Presents: One Million Comments, Magjo-jowa na Ako at Stories from the Heart: Love On Air kung saan katambal niya ang aktres at kaniyang girlfriend na si Gabbi Garcia.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktor, ibinahagi niya ang mga plano niyang gawin ngayong 2022.

Ayon sa aktor, bukod sa paggawa ng series, nais din daw niyang bumalik sa paggawa ng musika.

Aniya, "To get more in touch with my creativity outside being an actor, so hopefully either makagawa ako ng music or pagtuunan ko ng pansin ang pagsusulat."

Ito raw kasi ang bagay na nawala sa kaniya simula nang magkaroon ng pandemya.

"Hindi ko siya nagawa during the pandemic because of several reasons so hopefully next year magawa ko na ulit," kuwento niya.

Nakatakda ring bumida si Khalil at kaniyang nobya na si Gabbi sa Kapuso mystery-romance series na Love You Stranger ngayong 2022.

Samantala, mas kilalanin pa si Khalil Ramos sa gallery na ito: