
Mayroon na ngayong mahigit 1.7 million followers at 10.1 million likes sa TikTok ang beteranang aktres na si Gina Pareño o "Lola Gets."
Sa TikTok, kilala ang aktres sa kanyang mga nakatutuwang dance moves, pet posts, at hatid na good vibes.
@yourlolagets taping of Wish Ko Langggg #fypdongggggggg ♬ Da Ya Think I'm Sexy? - Rod Stewart
Sa interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabi ni Gina na hindi naging mahirap para sa kanya na matutunan ang TikTok.
"Ang mahirap lang naman 'yung pagliligpit mo. Pero 'pag oras na kinukunan ka sa TikTok, masaya, nakaaaliw. Malaking bagay 'yung TikTok, nakalilibang, lalo na sa panahon ngayon. Tsaka, 'yon, nakaaarte ka," sabi ni Gina.
Ayon sa kapwa aktres na si Dexter Doria, eksperto raw talaga sa dance floor si Gina noon pa man. "Alam mo si Gina bata pa kami, nagpupunta kami sa disco n'yan, ang galing sumayaw n'yan."
Kahit si Kapuso actress Sofia Pablo ay tagahanga rin ni Gina sa TikTok.
"Wow, kahit po lola na talagang hataw na hataw pa rin sa TikTok. 'Pag tinitingnan ko nga po parang mas marami pa s'yang alam na dances kaysa sa akin," pagbabahagi ni Sofia.
Mapapanood sina Gina, Dexter, at Sofia ngayong Sabado, January 15, sa "Lola" episode ng Wish Ko Lang. Bibigyang buhay ni Gina ang kwento ng pagsusumikap ng isang lola na bumalik sa pag-aaral para matupad ang pangarap na makapagtapos.
Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Sofia Pablo sa gallery na ito: