Showbiz News

Vin Abrenica, itinuturing na bangungot ang COVID-19 na dinanas ng kanyang pamilya

By Aimee Anoc

Bangungot kung ituring ni Vin Abrenica ang COVID-19 na naranasan ng kanyang pamilya.

Ayon kay Vin, nakaramdam siya ng sintomas matapos ang family gathering nila at tuluyang nagpositibo sa COVID-19. Bukod kay Vin, nagpositibo rin sa sakit ang kanyang fiance na si Sophie Albert at 10-month-old baby na si Avianna Celeste.

Mahirap para kay Vin na hindi siya makatulong noon sa pagdala sa ospital kay Avianna dahil naka-isolate siya sa isang kuwarto ng kanilang bahay.

"Naririnig mo 'yung torture na iyak ng baby mo tapos hindi siya makatulog at saka 'yung paghinga raw sabi ni Sophie nagwi-whistle na," pagbabahagi ng aktor.

Sa ngayon, negatibo na sa COVID-19 si Vin at patuloy namang nagpapagaling mula sa sakit ang kanyang mag-ina.

"Sa panahon ngayon even babies. Sa ospital ang daming babies ngayon at napakahirap kapag tinamaan sila," dagdag niya.

Na-engage sina Vin at Sophie noong December 12, 2020 at ipinanganak ang kanilang baby girl na si Avianna noong March 2021.

Panoorin ang buong panayam ni Vin Abrenica sa 24 Oras:

Samantala, tingnan ang cutest photos ng anak nina Vin Abrenica at Sophie Albert na si Avianna sa gallery na ito: