Showbiz News

Pepita Curtis, sasabak sa matinding drama sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc

Kakaibang Pepita Curtis ang mapapanood ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang.

Ayon kay Pepita, kung dati ay napapanood siya na puno ng katatawanan at good vibes, ngayon ay madamdaming mga eksena ang hatid niya sa "Kumpare" episode ng kauna-unahang wish-granting program.

"Grabe po ang episode namin ngayon sa Wish Ko Lang kasi mind-breaking, nerve-breaking, at heartbreaking. Grabe sobrang to the max ang drama namin ngayon.

"Kung napapanood n'yo ko sa ibang episodes ng Wish Ko Lang na slight comedy and super full comedy, ngayon naman talagang sasabak tayo sa [matinding drama]," pagbabahagi ni Pepita.

Mapapanood si Pepita sa "Kumpare" episode bilang si Jenny, ang kasambahay ng mag-asawang Rowena (Andrea del Rosario) at Greco (Jay Manalo).

Hindi naman naiwasang kabahan ni Pepita sa mga eksena dahil beterano ang mga aktor na nakasama niya.

"Siyempre kinakabahan tayo kasi mga veterans 'yang mga 'yan pero ang bait nila, very approachable sila. Nagbabatuhan kami ng lines bago kami mag-shoot," dagdag niya.

Huwag palampasin ang madamdaming mga tagpo ngayong Sabado, January 22, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: