Showbiz News

Andrea Torres, muling iibig sa isang sabungero sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc

Kaya mo bang sumugal muli sa pag-ibig kahit na malaman mong nakabuntis ang iyong kasintahan?

Tampok ngayong Sabado sa "Sabungero" episode ng Wish Ko Lang ang kwento ng pagmamahalan nina Joyce at Darwin, ang mga karakter na binibigyang buhay nina Andrea Torres at Tom Rodriguez.

Matapos na masaktan at mahuling nakabuntis ng ibang babae ang boyfriend niyang si Nestor (Marcus Madrigal), ibinuhos na lamang ni Joyce (Andrea Torres) ang atensyon sa kanyang sariling negosyo.

Sa pagtitinda sa sabungan, nakilala ni Joyce ang magtatari at sabungerong si Darwin (Tom Rodriguez). Mabilis na nagkagustuhan sina Joyce at Darwin hanggang sa naging magkasintahan.

Pero paano kung malaman ni Joyce na nakabuntis din si Darwin?

Huwag palampasin ang misteryosong kwento ng nawawalang sabungerong si Darwin ngayong Sabado, February 12, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide bisitahin ang www.gmapinoytv.com

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Andrea Torres sa gallery na ito: