GMA Logo Yoon Eun-hye and Ju Ji-hoon in Princess Hours
What's Hot

Princess Hours: Tuluyan nang nahulog ang loob ni Prince Shin kay Caitlyn | Week 4

By Aimee Anoc
Published March 14, 2022 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos back in Manila after working visit to Abu Dhabi
Death toll in Cebu City trash slide reaches 15; 21 missing
NCAA women's volleyball is back this January

Article Inside Page


Showbiz News

Yoon Eun-hye and Ju Ji-hoon in Princess Hours


Sa pagbisita sa mga magulang ni Caitlyn, nalaman ni Prince Shin ang simple at masayang buhay ng pamilya nito na ibang-iba sa palasyo.

Sa ikaapat na linggo ng Princess Hours, ipinamalas ni Caitlyn (Yoon Eun-hye) ang mga natutunan bilang isang prinsesa sa mga nakatatanda sa palasyo. Labis na natuwa ang inang reyna at hari sa tulang binigkas ni Caitlyn sa kanilang maliit na salo-salo.

Matagal nang gustong bumisita ni Caitlyn sa kanyang pamilya sa labas ng palasyo kaya naman ginawa nito ang lahat para mapapayag si Prince Shin (Ju Ji-hoon) na magbakasyon.

Hindi naman nabigo si Caitlyn at napapayag ang prinsipe na bumisita sa kanyang mga magulang.

Sa pagtira ng ilang araw sa bahay ng mga magulang ni Caitlyn, natutunan ni Prince Shin ang simpleng pamumuhay ng pamilya nito. Mabilis din siyang napalapit sa pamilya ni Caitlyn dahil sa pagiging simple at masiyahin ng mga ito.

Patuloy na subaybayan ang Princess Hours, Lunes hanggang Biyernes, 5:00 p.m. sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Princess Hours:

Princess Hours: Caitlyn impresses the royal family | Episode 16

Princess Hours: Are you jealous Prince Shin? | Episode 17

Princess Hours: Caitlyn saves Prince Shin | Episode 17

Princess Hours: Caitlyn's love-hate relationship with Prince Shin | Episode 19

Princess Hours: Caitlyn comes home | Episode 19