Showbiz News

Jeric Gonzales, solid fan ni Rabiya Mateo bago maging magkasintahan

By Jimboy Napoles

Masayang kinumpirma ng Sparkle star na si Jeric Gonzales ang pagiging in-a-relationship nila ng beauty queen at aktres na si Rabiya Mateo sa 24 Oras.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa daily news program ay nakapanayam niya si Jeric at dito inamin ng aktor na magkasintahan na sila ni Rabiya.

Sa katunayan, dalawang buwan na raw silang mag-on, at nag-celebrate pa sila ng kanilang first monthsary sa isang restaurant sa Makati.

Huwebes, March 17, isinapubliko nina Jeric at Rabiya ang kanilang relationship status sa pamamagitan ng kanilang sweet posts sa Instagram para sa isa't-isa.

"Proud kami na i-share sa lahat ng tao na ito 'yung totoong nangyayari sa amin, nararamdaman namin so parang we want them to be part of us," ani Jeric.

Ayon pa sa aktor, matagal na raw siyang attracted kay Rabiya at certified fan daw siya nito lalo na sa naging journey nito sa Miss Universe.

Aniya, "I'm a fan, I'm a supporter of Rabiya, she was our Miss Universe Philippines 2020."

Kaya naman masaya raw si Jeric nang mabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Rabiya sa isang episode ng Wish Ko Lang kung saan mas nakikilala niya pa ang beauty queen.

Kuwento niya, "There was this scene nga na parang kailangan naming maging sweet kasi magpo-propose ako sa kanya so parang 'di kami makatingin pareho sa isa't isa, parang nahihiya na parang kinikilig."

Ngayong nobya na niya si Rabiya, mas lalo raw lumaki ang paghanga niya sa kasintahan.

"She's a very down-to-earth and warm-hearted person. Gusto ko pa sa kanya 'yung pagiging religious and family person niya," ani Jeric.

Bukod sa pagiging winner sa love life, winner din sa career si Jeric dahil siya ang napiling isa sa mga bida ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up kasama sina Yasmien Kurdi, Alden Richards, at Bea Alonzo.

"Talagang naniniwala ako na you really have to wait talaga if you want something na gusto mo talagang makuha mo," pagbabahagi pa ni Jeric.

Samantala, tingnan naman ang sweet photos nina Rabiya at Jeric sa gallery na ito: