Showbiz News

Yasmien Kurdi kinilala bilang Asia's Valuable and Significant TV Actress of the Year sa Asia Pacific Luminare Awards

By EJ Chua

Hindi maikakailang patuloy na namamayagpag ang pangalang Yasmien Kurdi sa mundo ng showbiz.

Sa latest Instagram post ng former Las Hermanas star na si Yasmien, taos puso siyang nagpasalamat sa pagkikilalang kanyang natanggap sa ikalimang Asia Pacific Luminare Awards.

“I am grateful for being recognized as Asia's Valuable and Significant TV Actress of the Year. Thank you for this prestigious recognition #AsiaPacificLuminareAwards,” sulat ng aktres.

Ilang celebrity friends naman ni Yasmien ang nagpaabot ng kanilang masayang pagbati para sa Kapuso actress. Kabilang dito sina Kim Atienza, Bubble Gang babe Valeen Montenegro, Little Princess actor Rodjun Cruz at marami pang iba.

Bukod sa mga nabanggit, isang pagbati rin ang natanggap ni Yasmien mula sa beteranang aktres na si Rita Avila.

Matatandaang muling ipinamalas ni Yasmien ang kanyang husay sa pag-arte nang maging parte siya ng television drama series na Las Hermanas na ipinalabas sa GMA mula October 25, 2021 hanggang January 14, 2022.

Nito lamang buwan ng Marso, opisyal na inihayag ng GMA Network na isa si Yasmien sa mga artistang dapat abangan sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Philippines sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang quarantined life ni Yasmien Kurdi kasama ang kanyang pamilya sa gallery na ito: