
Suot ang kanyang simpleng white top, makikita ang fierce looks ni Bianca Umali para sa isa na namang TikTok trend.
Mapapanood sa video ang tila glow-up transformation ng Mano Po Legacy: Her Big Boss actress mula sa kanyang natural look, na sinundan naman ng clip na mayroon na siyang make-up.
Gaya ng inaasahan ng marami, muli na naman itong kinagiliwan ng kanyang fans at followers.
Bukod sa inuulit-ulit ng ilang netizens ang panonood sa video ng aktres, ang ilan ay pa.
Ang isang netizen, tila may request pa na sana raw ay gumanap si Bianca bilang si Darna.
@bianxxxxxxxa bang bang 🦋✨💋 #fyp ♬ original sound - Teddy
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.3 million views at mahigit 159,000 likes ang video ng aktres.
Matatandaang hot na hot na humatawa noon si Bianca para naman sa TikTok trend na “Buttons.”
Bukod sa pag-arte, hindi maikakailang isa na rin siya sa mga Kapuso na inaabangan ng maraming netizens sa TikTok.
Samantala, tingnan ang transformation ni Bianca Umali mula sa pagiging isang child star na ngayon ay isa ng hot babe dito: