Showbiz News

Denise Barbacena, itinuturing na 'badge' ang pagiging parte ng 'Bubble Gang'

By Aimee Anoc

Isang badge na maituturing ni Denise Barbacena ang maging parte ng longest running gag show sa bansa, ang Bubble Gang.

Sa isang press interview, ibinahagi ni Denise ang mga pagbabago sa kanyang career nang maging cast ng comedy show sa loob ng walong taon.

"Again another badge. Parang may sense of pride po everytime na kahit nga minsan hindi nila alam pangalan ko sasabihin nila 'Ay siya 'yung sa 'Bubble Gang,'' sabi ni Denise.

Dagdag niya, "Before I used to feel sad na sana alam man lang nila name ko pero I turned it into something positive na lang at least they recognized me from the show.

"Kapag nagkakaroon ako ng guestings sa GMA ng ibang teleserye 'yung mga staff, the crew they know me 'Oh siya 'yung sa Bubble Gang.' It makes me feel na may affirmation na for the past eight years maybe I'm doing something good, right."

Isang post na ibinahagi ni Denise Barbacena (@denisebarbacena)

Noong 2013 nang maging cast ang aktres ng comedy show kung saan nakilala siya sa kanyang mahusay na pagpapatawa at pagbato ng punchlines.

Patuloy na mapapanood si Denise sa Bubble Gang tuwing Biyernes sa GMA.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Denise Barbacena sa gallery na ito: