Showbiz News

Ken Chan, ikinuwento ang estado ng relasyon nila ni Rita Daniela

By Aimee Anoc

Masayang ibinahagi ni Ken Chan ang kasalukuyang lagay ng relasyon nila ng long-time onscreen partner na si Rita Daniela.

Huling nagkasama sa isang serye sina Ken at Rita sa GMA Afternoon series na Ang Dalawang Ikaw noong 2021.

Sa isang press interview, nilinaw ni Ken na "proud at happy" sila ni Rita para sa isa't isa kahit na may kanya-kanya ngayong mga proyekto.

"We're very happy para sa isa't isa. Gusto ko lang po linawin na kasi may mga tao po talaga, may mga fans namin na akala magkaaway kami ni Rita. Akala nila nagtatampuhan kami dahil may kanya-kanya kaming mga projects na ginagawa, no, it's not true," sabi ni Ken.

Dagdag ng aktor, "Ngayon ko lang po sasabihin na talagang kami po ni Rita ay sobrang proud sa isa't isa. We're happy for each other at alam naman po namin ni Rita talaga na bago pa namin gawin Ang Dalawang Ikaw na teleserye po namin, sinabihan po kami ng GMA na baka iyon na po ang maging last na teleserye namin.

"I think they have given us enough time para magkasama sa maraming projects at sobrang blessed kami ni Rita dahil marami kaming proyektong nagawa. And talagang naging very successful because also na rin sa suporta ng mga supporters po namin, ng mga fans po namin."

Ayon kay Ken, hindi na sila nagulat ni Rita sa desisyon ng management na pansamantala muna silang paghiwalayin at bigyan ng kanya-kanyang mga proyekto.

"Gusto rin po kasi ng GMA-7 na makatrabaho namin ang iba't ibang actors pa, na hindi lang kami limitahan ni Rita sa mga gagawin naming projects, na hindi kami malimitahan ni Rita sa mga aktor na posible na makatrabaho namin in the future.

"Naiintindihan naman po namin ang rason ng GMA-7. Kami naman po ni Rita sobrang nagpapasalamat kami sa isa't isa because talagang nagtulungan po kami para matupad 'yung ilan sa mga pangarap namin," kuwento ni Ken.

Sa ngayon, sinabi ni Ken na patuloy silang nagkakausap ni Rita at maganda ang kanilang relasyon.

"Ngayon nag-uusap kami, siya sobrang happy siya para sa akin and I'm also happy for her. Sabi nga niya, sana balang araw ay magkaroon pa rin kami ng projects na dalawa. At iyon din naman ang ipinagdarasal ko. Alam ko at nararamdaman ko rin naman na in the future magkakaroon ulit kami ng pagsasamahang project ni Rita Daniela.

"Maganda ang relationship namin ni Rita kahit na hindi kami magkasama sa mga projects. Mas lumalim 'yung relationship namin at turingan namin sa isa't isa. I love her," pagtatapos ni Ken.

Kasalukuyang napapanood si Ken bilang si Richard sa romcom series na Mano Po Legacy: Her Big Boss kasama sina Bianca Umali at Kelvin Miranda, habang si Rita naman ay abala rin sa iba pang mga proyekto sa GMA.

Samantala, bukod sa seryeng Mano Po Legacy: Her Big Boss, naghahanda ngayon si Ken para sa bago niyang kanta, ang "Quaranfling," na ilalabas under GMA Music sa April 26.

Mas kilalanin pa si Sparkle actor Ken Chan sa gallery na ito: