Showbiz News

Vince Maristela, 'dream come true' ang mapabilang sa Sparkada

By Dianne Mariano

Isa ang newbie Sparkle artist na si Vince Maristela sa mga miyembro ng Sparkada, ang pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network.

PHOTO COURTESY: vincemaristela (IG)

Ang 17 young and fresh faces ng groupong ito ay handpicked ng renowned star maker na si Johnny “Mr. M” Manahan dahil sa kanilang colorful background at potensyal na maging susunod na big stars sa showbiz.

Sa ginanap na media conference noong April 19, ibinahagi ni Vince na isang “dream come true” ang mapabilang sa Sparkada.

“I was very emotional at that moment, nakaka-proud sa sarili. Siguro 'yung best part do'n is nung nakita ko 'yung mom ko na sobrang proud sa akin. It's a dream come true po,” aniya.

Nang matanggap ni Vince ang balita na siya'y kabilang sa Sparkada, ang una daw niyang naisip ay ang kanyang mga magulang.

Aniya, “Inisip ko talaga sila kasi ever since noong bata ako, pangarap ko na po talaga siya. Parati kong sinasabi sa parents ko na gusto ko maging artista. Noong natanggap ko na 'yung balita, 'di ako makapaniwala, sobrang thankful.”

Kasama rin ng 21-year-old actor sa Sparkada sina Saviour Ramos, Jeff Moses, Kim Perez, Michael Sager, Raheel Bhyria, Larkin Castor, Anjay Anson, Sean Lucas, Roxie Smith, Cheska Fausto, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Kirsten Gonzales, Vanessa Peña, Lauren King, at Dilek Montemayor.

Samantala, kilalanin ang mga miyembro ng Sparkada sa gallery na ito.