Showbiz News

Ashley Rivera, pangarap makapag-host sa 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar

Nasa wish list ng comedienne at content creator na si Ashley Rivera ang makapag-host sa longest-running at award-winning noontime show na Eat Bulaga.

Ito ang ibinahagi ng Bubble Gang star nang makapanayam ito ng GMANetwork.com sa birthday event niya sa Quezon City last August 23.

Kuwento ni Ashley, na-invite na siya ng Eat Bulaga para maging guest co-host dati ngunit nagkaroon ng conflict sa schedule niya.

Aniya, “Naku matagal ko na pangarap actually mag-Eat Bulaga--sobrang tagal na!

“Kasi lagi ako nanonood nun and gusto ko pa makasali doon sa Juan For All, All For Juan 'di ba, like pupunta sa iba't ibang bahay.

“So, 'yun sana matuloy ako sa Eat Bulaga. Malaking exposure rin 'yun, of course, and isang karangalan na maka-work lahat ng mga taga-Eat Bulaga. So sana matuloy siya.”

Bukod sa opportunity na makatrabaho ang Dabarkads, target din ni Ashley na makagawa ng pelikula this year.

Paliwanag ng Sparkle beauty, “Gusto ko talaga maging part ng mga movies or indie films, lalo na kung maganda 'yung story. And then kung okay din 'yung makakasama ko, makakatrabaho ko doon.

“Any work naman, actually, of course is a blessing. So excited ako kung ano man 'yung maging plano ng GMA.”

Star-studded ang naging birthday bash ni Ashley Rivera last weekend. Ilan sa celebrities na pumunta ay sina Queen of Creative Collaboration Heart Evangelista, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, “Asian Cutie” Albert Nicolas, Pancho Magno, at co-star ni Ashley sa Happy ToGetHer na si Jenzel Angeles.

Naki-party din sina GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, Shintaro Valdes, and Sparkle executives Tracy Garcia and Joy Marcelo.

Silipin ang ilan sa highlights ng birthday celebration ni Ashley sa report ng 24 Oras:

Samantala kilalanin ang iba pang talented comediennes na napanood sa Bubble Gang in this gallery.