
Ilang oras matapos ma-i-post ni Rayver Cruz ang TikTok dance video kasama sina Kylie Padilla at Jak Roberto, agad itong nag-viral at umani ng mahigit 1.6 million views, 144,200 likes, at 913 comments sa TikTok.
Sa video, mapapanood ang cool dance moves nina Kylie, Rayver, at Jak sa kanta ni Willow Smith na "Wait a Minute!"
@rayvercruz Bolera nxt month na!!! 🎱🙌🏻💯@hijak02 @kyliepadillaofficial ♬ Wait a minute duckhead edit - Duckhead Dj Kasur
"Bolera next month na," sulat ni Rayver sa TikTok post.
Malapit nang mapanood sina Kylie, Rayver, at Jak bilang sina Joni, Miguel, at Toypits sa pinakabagong sports drama series ng GMA, ang Bolera.
Ang Bolera ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.
Abangan ang Bolera ngayong May 30 sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang 'pogi' photos ni Rayver Cruz sa gallery na ito: