Showbiz News

Kailan matatapos ang mga pagsubok ni Geneva sa 'Maghihintay Pa Rin'?


Noong nakaraang linggo, patung-patong na problema ang kinaharap ni Geneva. Napakahirap para sa kanya na malayo kay Kiko. Lalo pang bumigat ang kanyang pasan dahil kina Rio at Lance. Si Orly na nga kaya ang Knight in Shining Armor ni Geneva?
 
Sa gitna ng lahat ng kaguluhan, may blessing naman na dumating sa buhay ni Geneva. Ikinatuwa niya nang malaman niyang nagbunga ang pagmamahalan nila ni Kiko. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis kay Rio dahil gusto siyang ipakasal nito kay Lance.
 
Hindi nagtagal at nalaman na rin ni Lance na buntis si Geneva. Hindi niya ito matanggap, kaya pati siya ay umatras na rin sa nalalapit nilang kasal. Kaso lang, hindi pumayag si Rio at ang pamilya ni Lance.
 
Out of frustration, ibinaling ni Lance ang kanyang oras sa paglalasing. Sinasaktan din niya si Geneva, at tinangka pang pagsamantalahan. Mabuti na lamang at dumating si Orly upang iligtas si Geneva.
 
Dahil punung-punona si Lance, pinilit pa niyang ipalaglag ni Geneva ang baby niya. To the rescue na naman si Orly, na nag-alok pa ng kasal kay Geneva upang makatakas sa pananakit ni Lance.
 
Walang kaalam-alam si Kiko sa nangyayari. Napababa sa seven years ang kanyang 20-year sentence. Pinuntahan ni Geneva si Kiko sa kulungan niya sa Singapore, ngunit inilipat na ito at hindi nalaman ni Geneva kung saan.
 
Minabuti ni Geneva na tumuloy muna sa resthouse ni Orly upang makapag-isip. Napag-alaman din niya na balak na siyang ipakasal ni Rio kay Lance sa lalong madaling panahon, kapag natunton na siya nito. Dahil sa kagustuhang kumawala kay Lance, pumayag na si Geneva sa alok na kasal ni Orly.
 
Laking gulat nina Geneva at Orly na alam na pala ni Rio ang plano nila. Dumating si Rio sa araw ng kasal nila sa huwes, kasama si Louie. Magtagumpay kaya si Rio sa mga balak niya?
 
Matutuloy kaya ang kasal nina Geneva at Orly? Paano na ang naudlot na pagmamahalan nina Geneva at Kiko? Abangan ang mga susunod na kaganapan sa Maghihintay Pa Rin, pagkatapos ng Agustin Dela Cruz’s Mga Basang Sisiw sa GMA Afternoon Prime. --Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com