Showbiz News

KMJS, nakahanap ng ka-look-alike ng mga politiko?

By Bianca Geli

Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang diumano kamukha ni presumptive Vice President Sara Duterte.

Ang ka-look-alike ni Mayor Sara na si Jayson Ormo, kababayan pala talaga niya dahil sa mula ito sa Davao Oriental. Kasalukuyang public servant din si Jason dahil naninilbihan itong kagawad.

"'Yung classmate ko po ang naka-discover na kamukha po si Mayor Sara. Na-shock lang ako na magkapareho kami ng mukha. Sa ganoong sitwasyon, inembrace ko na lang po."

Pinangatawanan na lang ni Jasyon ang pagkakatulad nila ni Mayor Sara...nagpahaba ito ng buhok, nag-makeup, at inaral pati ang kilos nito.

Ano kaya ang nangyari nang magkita sa wakas ng personal sina Mayor Sara at si Jayson?


Ang kaisa-isa namang babae na tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, si Vice President Leni Robredo--may ka-look-alike rin.

Si Jumelie Maghanoy mula Bacoor, Cavite ang tinaguriang look-alike ni VP Leni Robredo.

Mahilig raw mag-TikTok si Jumelie, at dito napansin ng mga tao na kamukha niya pala ang kasalukuyang bise presidente.

Gaya ni VP Leni, may tatlong anak din si Jumelie at namumuhay bilang single mom.

Hindi naging madali ang buhay single mom ni Jumelie, na naninilbihang nanny sa isang Chinese family.

"Isa po akong nanny ng mga Chinese, natutulog na po kami mga alas dos ng madaling araw, tapos gigising po ng alas siyete. Magtatrabaho na po sa umaga. Umaabot kami ng 19 hours 'pag may mga bisita."

May liwanag din kaya ang bukas ni Jumelie? Paano na lang kung makaharap niya ang katapat niya sa eleksyon?


Isa namang komedyante ang napansin dahil sa pagkakahawig nito kay presumptive President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Kwento ni MC Muah, "'Yung kapitbahay namin naglagay ng poster ni BBM, napansin ko parang kamukha ko si BBM. Hanggang sa niloloko na ako sa mga comedy bars."


Naging performer sa comedy bars si MC Muah, ngunit dahil sa pagsasara ng mga bars nang mag-pandemya, naisipan niyang maging vlogger kasama ang mga kaibigan.

Dito napansin ang pagiging ka-look-alike niya ng pulitiko.

Panoorin ang istorya nina Jasyon, Jumelie, at MC Muah sa KMJS: