advertisement
Showbiz News

LOOK: 'Kapuso Mo, Jessica Soho' moments that made us smile in 2021

1 of 14

JaMill meets Mareng Camille

Ang vloggers at real-life couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ay ginulat ang kanilang mga fans nang mawala ang kanilang YouTube channel. Sa KMJS ipinaliwanag ng JaMill ang nangyari sa kanilang account, at para magdala ng masayang sorpresa, ipinakilala ng KMJS ang look-alike ni Camille na si Mareng Camille o Ericson Corate mula sa Tacloban City.

2 of 14

Jessica Soju?

Hindi lang si Camille Trinidad ang nahanap na may look-alike ng KMJS, pati ang mismong host na si Jessica Soho, may look-alike palang Korean! Mukhang magkapatid na nagkahiwalay sina Kapuso reporter Jessica Soho at ang Korean celebrity vocal trainer Jo A-young. Umabot sa KMJS ang screenshots ng litrato ni Jo A-Young matapos itong mapanood sa telebisyon ng ilang netizens at binansagang nila itong 'Jessica Soju.'

3 of 14

Whamonette

Ang TikTok couple na sina Antoinette Gail del Rosario at Whamos Cruz a.k.a. Whamonette ay nagumpisa sa isang dance challenge ang pag-iibigan. Kahit pa binabatikos dahil sa kanyang itsura, naging purisigido si Whamos na ligawan si Antoinette matapos nilang magkakilala online. Ngayon, inspirasyon na ang hatid ng dalawa para sa karamihan lalo na sa mga nahuhusgaan dahil sa kanilang itsura.

advertisement
4 of 14

John Lloyd Cruz

Naging kapanapanabik ang pagkikita nina Kapuso host Jessica Soho at Kapuso actor John Lloyd Cruz. Mula sa kayaking, swimming, pati na rin acting challenge--walang inurungan ang dalawa sa kanilang Palawan trip. Ibinahagi rin ni John Lloyd kung ano ang naging dahilan ng kaniyang indefinite leave mula sa showbiz noong 2017 at bakit niya napiling maging Kapuso sa kaniyang pagbabalik sa industriya.

5 of 14

Bea Alonzo

Hindi magiging kumpleto ang taon kung hindi makakapanayam ng KMJS ang isa pang bagong Kapuso, walang iba kung 'di si Bea Alonzo. Sa KMJS feature kay Bea, dumayo ang KMJS sa Zambales farm nila Bea para sa isang heart-to-heart bonding.

6 of 14

Kuya Kim Atienza

Napaiyak ni Kapuso veteran ang kapwa niyang beterano sa media na si Kuya Kim Atienza nang balikan ng bagong Kapuso host ang mga pinagdaanan niya para sa larangan ng pagiging reporter. Napagusapan din ng dalawa pati ang mga pagsubok na dinanas ni Kuya Kim katulad nang ma-stroke siya noong 2010 pati na rin nang ma-diagnose ng Guillain-Barre Syndrome noong 2013.

advertisement
7 of 14

Hidilyn Diaz

Binigyang parangal naman ng KMJS ang Olympic gold medalist sa women's weightlifting na si Hidilyn Diaz. Naikuwento ni Hidilyn ang mga sakripisyo niya at pagaagam-agam bago makamit ang medalya. Nakilala rin ng KMJS ang fiance at isa sa mga coach ng Olympian na si Julius Naranjo.

8 of 14

Ranz and Niana Guerrero

Hindi nagpahuli sa dance challenge si KMJS host Jessica Soho nang makasama niya ang magkapatid na dancing duo na sina Ranz and Niana Guerrero. Dahil sa husay ng magkapatid, hindi malayong mapasok na rin sila sa showbiz. Sa panayam nila sa KMJS, naikuwento nila ang kanilang karanasan sa pagpasok sa pagsubok mag-artista.

9 of 14

The guy behind the black face mask

Naging trending ang TikTok video ni Jessa Ba dahil sa paghahanap niya sa lalaking 'di sinasadyang nasama sa kaniyang video habang naglalakad. Marami ang kinilig at nagtaka kung sino ba ang lalaki na nasa likod ng itim na face mask sa video ni Jessa.
Ang lalaki pala ay si Christian Candido at dati na pala silang nagkita ni Jessa. Tinunghayan ng mga manonood ang kanilang unexpected kilig story na umabot ng mahigit 20 million views sa Facebook.

advertisement
10 of 14

Mahal and Mura's reunion

Naantig ang mga netizens sa reunion ng iconic tandem na Mahal at Mura na kilala sa pagpapatawa sa telebsiyon.
Matapos maaksidente, hindi na nakabalik ng showbiz si Mura at nanirahan na sa Albay kaya napalayo ito may Mahal.
Sa isang KMJS episode, naglakabay si Mahal para bisitahin ang kaibigan at bigyan ng munting sorpresa pangkabuhayan.
Sa kasamaang palad, sumakabilang buhay si Mahal ilang linggo matapos umere ang episode dahil sa komplikasyong dala ng COVID-19. Nagkawalay man muli ang dalawa, hindi naman nabigo si Mahal sa huli nitong misyon para sa kaniyang matalik na kaibigan.

11 of 14

Love at first dose

Sa haba ng pila para sa bakuna, hindi lang proteksyon ngunit pag-ibig din pala ang makikita nina Alex at Jay na naging malapit matapos magkasabay sa pila ng first dose ng kanilang COVID-19 vaccine. Hindi love at first sight, kung 'di love at first dose pala ang magiging simula nila.

12 of 14

Ninang Jessica Soho

Ang mga sanggol naman na napagpalit noon sa ospital na sina Sifiata at Mulleno, kumusta na kaya sila ngayon? Ang sorpresang pa-aguinaldo ni Ninang Jessica sa babies ng mga Sifiata at Mulleno, natunghayan din sa KMJS.

advertisement
13 of 14

The 77-year-old dancer

Nakilala rin sa KMJS ang maliit ngunit matinik na dancer mula Antique na si Renz. At kung palambutan naman ng katawan, may hahamon ba sa viral na pitong taong gulang na si Colyn? Naki-stitch pa sa sayaw ni Colyn ang certified TikTokerist na si Niana Guerrero

14 of 14

Christmas lights sa Quezon

Sa pagtatapos ng 2021, nagniningning na ilaw ang dala ng KMJS. Ang ilang mga bahay sa Lucban, Quezon, tinadtad ng sangkatutak na Christmas lights at decors! Ang bahay ng Pamilya Esperanza, may umiilaw pa na replica ng Eiffel Tower sa kanilang rooftop!
Nagniningning naman ang isang bahay dahil sa maliliit na Capiz lanterns at mga kumukuti-kutitap na bituin.

Lahat ng 'yan at marami pang iba ay ilan lamang sa mga storyang naghatid ngiti sa'tin nitong 2021.