GMA Logo Rochelle Pangilinan and Jo Berry
What's Hot

Jo Berry, may "cute" na mensahe para sa kaarawan ni Rochelle Pangilinan

By Jimboy Napoles
Published May 23, 2022 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan and Jo Berry


Malaki raw ang naging impluwensiya ng grupong 'Sexbomb girls' sa aktres na si Jo Berry, pero biro niya, hindi kasama dito ang kanyang paglaki.

Isa ang aktres na si Jo Berry sa mga nagbigay ng mensahe para sa ika-40 kaarawan ng kanyang kaibigan, aktres, at dating Sexbomb Girls member na si Rochelle Pangilinan.

Sa Instagram, ipinost ni Jo ang ilang throwback photos kasama si Rochelle pero bukod sa nakakaaliw na mga larawan na ito, isang cute na mensahe rin ang ipinadala ni Jo para sa kaibigan.

Aniya, "Gusto ko sana sabihing isa ako sa mga 'napalaki ng sexbomb para hindi bumawi' pero not applicable sa 'kin e [laughing emoji]. Last photo is my all time favorite photo of you, me and Shiloh.

"Love you ate @rochellepangilinan Happy Birthday!"

Isang post na ibinahagi ni Jo Berry (@thejoberry)

Agad naman na sumagot sa post na ito ang celebrity mom na si Rochelle.

"Jo! I love you! maraming salamaaaaaat," ani Rochelle.

Kasalukuyang napapanood ngayon si Rochelle sa fantasy rom-com drama series na False Positive na pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Xian Lim.

Huli namang napanood si Jo sa katatapos lang na GMA Afternoon Prime series na Little Princess.

Samantala, mas kilalanin naman ang aktres na si Jo sa gallery na ito.