Showbiz News

Andrea Torres, lumipad na patungong Japan para sa kanyang GMA Pinoy TV live performance

By Marah Ruiz

Lumipad na patungong Japan si Kapuso star Andrea Torres para sa special event para sa mga Pinoy doon.

Spotted sa airport si Andrea sa kanyang very fashionable na green pantsuit.

Bahagi siya ng live presentation ng GMA Pinoy TV sa Philippine Expo 2022 na gaganapain sa Ueno Onshi Park sa Tokyo.

Ito ang kauna-unahang live event ng GMA Pinoy TV sa Asia simula nang magkaroon ng pandemic.

Sa June 12 naman nakatakda ang performance ni Andrea na lubos daw niyang pinaghandaan.

"Talagang nagpa-record ako ng mga bagong songs. Lahat ng magpapasaya sa mga Kapuso natin doon, gagawin ko," lahad ng aktres sa isang interview.

Ang live presentation na ito ay bahaging Stronger Together campaign ng GMA Network.

"Talagang ginawa ng GMA lahat para siksik, lalong lalo na kasi ang dami nating sine-celebate sa buwan na 'to--Independence Day, Rizal Day. Talagang 'yung mga Pinoy, gusto namin 'yung maramdaman talaga nila 'yung pagkakaisa, kaya nga 'Stronger Together,'" paliwanang ni Andrea.

Excited na rin si Andrea na makita mga Kapuso sa Japan.

"Japan, here I come! 💚 See you there mga Kapuso!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

Samantala, katatapos lang ni Andrea ng filming ng kanyang international movie na Pasional. Nasa post production stage na rin ang pelikula.

Kasalukuyan ring napanood ang pinagbidahan niyang cultural drama series na Legal Wives sa streaming giant na Netflix.