Showbiz News

Kim Domingo reveals inspiration behind her songwriting

By EJ Chua

Matapos pumirma at mag-renew ng kontrata sa event ng Sparkle GMA Artist Center na Signed for Stardom noong May 26, masayang ibinahagi ni Kim Domingo na isang bagong journey ang kaniyang tatahakin ngayong nakabalik na siya sa show business.

Bukod sa pagiging comedienne-actress, pinasok na rin ni Kim ang mundo ng musika.

Nito lamang January, isang larawan ang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account kung saan makikita ang isang yellow pad na may nakasulat na lyrics na may katabing isang gitara.

Sulat ni Kim sa kaniyang post, "As far as I can remember, I have a strong liking for music. One of my longtime dreams is to write my own song.”

“I feel I can share all my talents, stories and experiences, good or bad, through my music. I finally decided to make this into a reality,” dagdag pa niya. “Now I am working on writing and composing my first ever original song. Crossed fingers."

Sa naging panayam naman ng GMANetwork.com sa Kapuso actress kamakailan lang, ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol sa pagsusulat niya ng kanta at kung sino ang kaniyang inspirasyon dito.

Pagbabahagi ni Kim, “Actually, nag-start talaga 'yan nung namatay 'yung best friend ko. Parang doon ako parang mas na-inspire na gumawa ng kanta. Kasi gusto ko siyang gawan ng song. So, doon siya nag-start.”

“As in, gabi na noon tapos bigla na lang may pumasok sa isip ko tapos kinuha ko 'yung phone ko nagsulat ako sa notes, binuo ko siya. Tapos, nung mga sumunod na araw nilapatan ko na ng melody. Tapos ngayon, ang nagawa ko na is tatlong kanta, nagstart ako ng February. Siyempre mayroon pang dadaanan na process ganyan. Pero ang una ko munang ilalabas ay 'yung kanta ko muna para sa bestfriend ko. Hopefully, this year mai-release ko siya,” aniya.

Nito lamang June 8, mismong petsa ng kaarawan ng kaniyang guy best friend na si Zacharael ay dumalaw ang Start-Up Ph actress sa puntod nito.

Kilalanin ang co-stars ni Kim Domingo sa upcoming GMA drama series na Start-Up Ph sa gallery na ito: