Showbiz News

'First Lady' actress Sanya Lopez attends VP-elect Sara Duterte's oath taking ceremony

By Jimboy Napoles

Isa sa mga naging bisita ni Vice President-elect Sara Duterte sa kanyang panunumpa kahapon, June 19, sa Davao City ay si First Lady actress Sanya Lopez.

Stunning ang Kapuso star sa nasabing makasaysayang okasyon suot ang isang green and modern filipiniana jumpsuit.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sanya ang ilang mga larawan mula sa oath taking ng bise-presidente.

"Privileged to be invited at VP Sara Duterte's oath taking ceremony," caption ni Sanya.

Matatandaan na tumatakbo rin bilang Pangulo ng Pilipinas ang karakter ni Sanya na si Melody Acosta sa GMA Telebabad series na First Lady.

Kasama rin ni Sanya sa oath taking ceremony sina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at President and Programming Consultant to the Chairman ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Makikita rin sa mga larawan na ipinost ni Sanya na nakasama niya ang ilan pang pulitiko gaya nina Senator-elect Robin Padilla, mentor nitong si Atty. Salvador Panelo, at anak ni President-elect Bongbong Marcos na si Sandro Marcos.

Spotted din sa selebrasyon ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Samantala, sa nasabing oath taking ceremony, inanunsyo ni VP Sara at incoming Department of Education (DepEd) Secretary na pag-aaralan nila ang muling full face-to-face class sa darating na Agosto.

Balikan naman ang career highlights ni Sanya sa gallery na ito:

Tutukan naman ang huling sampung araw ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.