Showbiz News

Kim Domingo, walang tulog na pumila sa pre-selling ng fan meet tickets ni Cha Eun-woo

By Jimboy Napoles

Fresh mula sa taping ng Start-Up PH, dumiretso agad ang aktres na si Kim Domingo sa isang mall sa Quezon City upang makabili ng ticket para sa Starry Caravan in Manila fan meeting ng South Korean singer-actor na si Lee Dong-min o mas kilala bilang si Cha Eun-woo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kim ang kanyang naging fan girl moment.

"Straight from work, no sleep yet but it's all good," caption ng sexy actress sa kanyang post.

Makikita naman sa kanyang Instagram stories, na matiyagang nakipila at nakipagsiksikan ang aktres kasama ang kapwa fans ni Eun-woo makaabot lang sa pre-selling ng tickets ng nasabing event.

Bagamat nakasuot ng face mask, nakilala pa rin si Kim ng kanyang mga taga-suporta na naroon at humiling din ng selfie at group photo kasama siya.

At sa huling Instagram Story ni Kim, sinabi niyang sulit ang matagal niyang pagpila.

Aniya, "Finally! After numerous hours of waiting and standing I finally got my tickets! [crying emoji] I know this is well worth the effort and the wait! [praying hands] Thank you, Lord [heart emoji]"

October 2019 nang huling bumisita ang Korean heartthrob na si Eun-woo sa Pilipinas at ngayong August 6, 2022 ay nakatakda ang kanyang pagbabalik bansa para makita ang Filipino fans na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, silipin ang ilang simple and sexy looks ni Kim sa gallery na ito: