Showbiz News

Richard Gomez finally gets a Congressional seat

By Nherz Almo

"This was a 21-year journey to me."

Ito ang naging pahayag ni Richard Gomez tungkol sa bagong posisyon niya bilang representative ng Fourth District ng Leyte.

Sa ginanap na inauguration nila ng asawa niyang si Lucy Torres-Gomez, na papalit naman sa kanya bilang mayor ng Ormoc City, inalala ng actor-politician ang mga panahong nabigo siyang makaupo bilang Congressman.

Matatandaan na noong 2001, unang sinubukan ni Richard tumakbo bilang representative ng dating Mamamayang Ayaw sa Droga (MAD) Party-List. Subalit bigong makaupo ang aktor dahil idiniskwalipika ng Supreme Court ang MAD. Noong 2010, muling sinubukan ng aktor tumakbo bilang representative naman ng Fourth District ng Leyte, kung saan kabilang ang Ormoc City na hometown ng kanyang asawa. Sa kasamaang palad, muli siyang na-disqualify dahil umano sa kakulangan ng taon niya ng paninirahan sa naturang probinsya. Naging substitute candidate niya ang asawang si Lucy, na nanalo bilang Congressman habang si Richard ang kanyang naging chief of staff.

Bukod sa mga nakaraang pagsubok niyang sa pagtakbo bilang Congressman, tila hindi rin nakaligtas si Richard sa mga umano'y fake news na ibinato sa kanya nitong nakaraang eleksyon.

Biro ni Richard sa kanyang inaugural speech, "Yung gwapo kong ito gi-demonize ninyo? Pagkagwapong demonyo, uy! I salute to Ormocanons for seeing through the lies, the untruth, and the selfish motives and choosing me over my opponent."

Simula ngayong Lunes, pormal nang manunungkulan si Richard bilang representative ng Fourth District ng Leyte.

Ayon sa kanya, ipagpapatuloy at palalawigin pa niya ang mga programang nasimulan niya noong siya ay mayor ng Ormoc City.

Sa katunayan, sa kanyang inaugural speech, sinabi taas-noong sinabi ng dating Ormoc City mayor, If you ask me if I have been able to do what I promised you in 2016, I will tell you honestly that yes, I did. But there are so much things that needs to be done."

Sa hiwalay na panayam, binanggit ni Richard na bibitbitin pa niya ang kanyang 10-point agenda noong siya ay mayor.

Aniya, "Well, there are a lot opf bills that needs to be filed. Alam mo, ang priorities ko simple lang, e. Number one, siyempre, peace and order and national security. Yung food security is very important to me kaya yung agriculture importante sa akin. 'Tapos sports and anti-drugs. Basically, yun talaga ang gusto kong gawin sa congress.

Nakausap ng ilang piling entertainment media, kasama na ang GMANetwork.com, sa ginanap na Pina Festival sa Ormoc City nitong nakaraang linggo.

Samantala, tingnan kung sinu-sino pa ang mga celebrities na nanalo sa eleksyon 2022: