Showbiz News

Fil-Am, kinoronahang Miss Texas USA

By Jansen Ramos

Itinanghal na Miss Texas USA 2022 ang Fil-Am fashion designer at model na si R'Bonney Nola mula Houston sa ginanap na coronation night nitong Sabado, July 2 (PH time).

A post shared by R'Bonney Nola (@rbonneynola)

Magiging pambato siya ng Texas sa Miss USA 2022 kung saan makakalaban niya ang mga kapwa niya may dugong Pinoy na sina Miss New Mexico Suzanne Perez at Miss Hawaii na si Kiana Yamat.

A post shared by Suzanne Perez (@suzanneperez__)

Ang Miss USA ang opisyal na beauty pageant na nagpapadala ng kinatawan ng Estados Unidos sa prestihiyosong Miss Universe pageant.

Fil-Am din ang nagwaging Miss Texas America ngayong taon na si Averie Bishop.

Samantala, tingnan ang mga litrato ng pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa darating na Miss Universe pageant.