Celebrity Life

Lauren Young on Megan’s Miss World Competition: “Hindi na’ko maghi-heels para makatalon ako!”


Kahapon sa ginanap na 18th birthday celebration ng Kapuso actress na si Rita De Guzman, present si Lauren Young at nagkaroon ng pagkakataon ang GMANetwork.com na tanungin siya tungkol sa Miss World competition ng kaniyang ate na si Megan Young.

Sabi ni Lauren, kaninang 5:00 a.m. daw ang flight ng kaniyang pamilya papuntang Bali, Indonesia para suportahan ang kapatid.

Pero ayon sa kaniya, hindi naging madali para sa kanila ang pagaayos ng mga papeles para makapunta roon. “In the process of getting everything, sobrang hirap. Like me and my brother, we didn’t have our passports. And then parang nagka-problem pa kami sa tickets for the airplane and tickets for the actual contest of Miss World,” saad niya.

Kuwento ni Lauren, inakala nila na hindi na sila makakapunta sa Bali. Halos 8 hours na lang kasi bago ang kanilang flight nila nalaman na na-approve ang mga tickets nila. Dagdag niya, “feeling namin, it’s a sign that we’re really meant to be there in Bali to support my sister.”

Nang tanungin naman si Lauren kung may communication sila ng kapatid, “yes, we talk every day. Well, ang alam ko lang she’s roommate with Miss Japan. They’ve just been going around and they had tree planting.”

Natutuwa raw si Lauren dahil sa tuwing nakakausap nila si Megan, wala raw itong reklamo. Kahit lagi raw sinasabi ng kapatid na pagod na pagod daw ito at halos walang tulog, nararamdaman naman ni Lauren na nag-eenjoy ang kapatid sa nasabing competition.

Malaki na nga raw ang pinagbago ni Megan ayon sa kapatid. Kuwento ni Lauren, “sabi ko nga, girl, mukha ka na talagang beauty queen! Bakit ganoon? Anyare? Hindi ka na ate ko! Ibang iba eh. The way she dresses up, pag-aayos niya, ‘yong makeup, everything! Even the way she talks, super different from before.”

Ibinilin daw ni Megan kay Lauren na bitbitin ang isa sa mga dress at mga alahas nito. Nang tanungin naman kung may lucky charm ba’ng ipinapadala, “kami na ‘yon! ‘Wag na siyang choosy!,” pabirong sagot ni Lauren.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Lauren na kasali sa Miss World competition ang kapatid niya. “Parang inisip ko lang dati ‘yong ate ko, pa-pose pose, pero ngayon parang every time na nakikita ko siya may suot siyang korona na parang royal! It’s a good feeling but I’m also very very scared for her,” pahayag ni Lauren.

Natatakot daw kasi si Lauren kung sakaling matalo ang kapatid. Hindi niya raw alam kung paano tatanggapin ng tao. Pero sana naman daw, win or lose ay matanggap pa rin ang ate niya ng mga kababayan niya.

Kung sakali man daw na palarin na manalo si Megan, matagal daw nilang hindi makikita ang ate niya dahil doon na ito titira sa London.

“Actually they will go home for a week and then they’ve got to fly out. And they will go all over the world helping out and just trying to make the world a better place. But okay lang kahit hindi ko siya makita, as long as I know na she’s changing the world for the better,” sabi ni Lauren.

“Beauty with a purpose,” ito raw ang slogan na pinaghuhugutan ngayon ni Megan ayon kay Lauren. “She knows she wants to give back any way she can. And sabi ko, just because you didn’t win, it doesn’t mean that you have to stop acting like a beauty queen and you have to stop giving. Do it any way possible that you can,” payo niya sa kapatid.

Sobrang excited na nga raw si Lauren sa competition bukas. At nang tanungin sa kaniya kung ano ang preparations niya sa big event sa Bali, “hindi na’ko maghi-heels para makatalon ako!, ” sagot ni Lauren.

Abangan kung maiuuwi nga ni Miss Philippines Megan Young ang korona sa telecast ng Miss World 2013 bukas, September 28, 10:30 ng gabi sa GMA Channel 7.- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com