Showbiz News

Vince Maristela, may inamin tungkol kina Sofia Pablo at Allen Ansay

By Jimboy Napoles

Itinuturing na fresh start ni Sparkada member Vince Maristela para sa kanyang showbiz career ang mapabilang sa cast ng upcoming kilig-series ng GMA na LUV IS: Caught in his Arms kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Sa panayam kay Vince sa Sparkada media conference kamakailan, ibinahagi niyang masaya na makabalik sa pag-arte.

Kuwento niya, "Masarap sa pakiramdam na makabalik ako sa acting and gusto ko 'yung ginagawa ko dahil matagal ko na rin po siyang gusto at pangarap."

Inamin din ni Vince na mismong sina Sofia at Allen ang nagbibigay sa kanya ng tips sa pag-acting lalo na sa kanilang mabibigat na eksena.

Aniya, "Maswerte rin ako na nakatrabaho ko sina Sofia at si Allen dahil ang gagaling nila umarte and grabe 'yung guidance and tips na binigay nila sa amin kapag nasa eksena kami [sinasabi nila] parati na, 'Own your space,' 'Huwag kang mahihiya,' 'Ilabas mo kung ano 'yung gusto mong ilabas.'

Makakasama din ng tatlo sa nasabing series ang ilan pa sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

Natutuwa rin si Vince sa nabuo nilang magandang samahan kaya naging magaan ang kanilang lock-in taping sa Baguio kamakailan.

"Maraming tumutulong sa amin kaya nakakatuwa lang na halos lahat kami nagtutulungan at parang mas madali 'yung trabaho kasi lahat kami naging close po," ani Vince.

Gaganap si Vince bilang si Tristan Ferrell ang pinakamatanda sa Ferrell cousins sa LUV IS: Caught in his Arms na mapapanood na sa Oktubre sa GMA.

Samantala, kilalanin naman Sparkle's newest Sparkada sa gallery na ito: