Showbiz News

Sofia Pablo, nagpagawa ng customized bags para sa cast at crew ng 'Luv Is: Caught In His Arms'

By Jimboy Napoles

Hindi pa man ipinapalabas ang kanyang bagong pagbibidahang series, makatatanggap na ng regalo mula kay Sparkle actress Sofia Pablo ang cast at production crew ng LUV IS: Caught in his Arms na kanyang upcoming kilig-series kasama si Allen Ansay na mapapanood sa GMA sa darating na Oktubre.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia na nagpagawa siya ng customized drawstring bags at neck pillows kung saan naka-print ang book cover ng Wattpad novel ni VentreCanard na "Caught in his Arms."

Makikita pa sa post ni Sofia ang larawan niya kasama ang mga ipinagawang bags at neck pillows.

"Got drawstring bags and neck pillows for the whole cast, production staff and crew of #CIHA [Caught In His Arms]," caption ni Sofia sa kanyang post.

Sa nasabing series, gagampanan ni Sofia ang karakter ni Florence Dela Cruz na bibihag sa puso ni Nero Sebastian Ferell na bibigyang buhay naman ng kanyang onscreen partner na si Allen.

Makakasama naman ng dalawa sa nasabing series ang ilan pa sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan din ang naging proposal ni Allen kay Sofia upang kanyang maging date sa inaabangang GMA Thanksgiving Gala kung saan sinorpresa ni Allen ang dalagang aktres pagkatapos ng kanilang performance sa isang event sa Bicol.

TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA ALLEN AT SOFIA SA GALLERY NA ITO: